Home Showbiz Sunshine nagpaliwanag sa mga suot na singsing

Sunshine nagpaliwanag sa mga suot na singsing

71
0
SHARE

MARAMI ang nakapansin sa mga singsing suot ni Sunshine Cruz nu’ng mag-guest siya sa ‘Tonight With Boy Abunda.’

May mga naghihinalang isa raw sa mga singsing na suot ay engagement ring na mula sa boyfriend na si Macky Mathay.

Para matigil ang bulung-bulungan pinaliwanag ni Sunshine ang istorya ng mga singsing na suot sa iisang daliri lang.

Ani Sunshine, ang mga singsing daw na ‘yun ay iisang lalaki lang ang may bigay, ang kanyang boyfriend na si Macky.

Aniya, ang unang singsing ay promise ring, bigay daw ni Macky nu’ng birthday niya na maging ‘sila’ na.

Eternity ring naman ay nu’ng second anniversary.

“Eto namang third ring, binigay niya akin last July 18, nung nag-42 ako. It was my birthday,” eksplika ng aktres.

Hinggil naman kung magpapakasal na ang dalawa.

Sambit ng actress, “Nung February lang talaga naging malinis yung annulment ko. So I’m enjoying my time with my children, with work. And okay naman kami sa setup namin. We see each other every other weekends kasi very busy din siya with his work with Mayor Francis Zamora.”

Pero kung ang destiny ay sila raw talaga in God’s time daw ‘yun. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleKris Aquino masaya kay Gabby Concepcion
Next articleShop, Save, Win at SM City Baliwag’s 3-Day Sale
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here