Home Taklesa Survey firms, nagsusulputan na parang kabute tuwing may eleksyon

Survey firms, nagsusulputan na parang kabute tuwing may eleksyon

34
0
SHARE

MAKARAANG umaarangkada ang kampanya para sa lokal na posisyon sa pamahalaan, katakut-takot na survey firms na ang nagsulputan na halata namang may kinikilingang kandidato para iparating sa mga botante kung sino ang nakaka-ungos sa labanan.

Kanya-kanya silang pa-survey kung kani-kaninong wala namang karapatang mag-survey maipakita lang na nakalalamang sila sa kanilang kalaban.

Bukod kasi sa Pulse Asia at SWS na kapuwa bantog at prestihiyosong survey firms, parang kabute na nagsulputan ang iba pang survey firms na ginagamit ng mga kandidato sa lokal na posisyon para magsagawa ng pagsusuri kung sino sa mga naglalabang pulitiko sa isang lungsod, munisipalidad o lalawigan ang nangunguna.

Hindi biro ang kakailanganing pondo para lang isang survey, daang libo na kung minsan ay umaabot pa sa milyon. Hindi naman sigurado ang panalo dahil ang target lang na respondents ay 1,000 to 1,5000. Malayo sa mayorya ng mga botante.

Ang pinaka-taget lang naman ng isang survey ay mind conditioning o ang pagkokondisyon sa isang botante na nangunguna ang isang kandidato para ito ang kanyang iboto.

Dito nga lang sa labanan sa pagka-gobernador sa ating lalawigan ay pinangangalandakan ng isang kandidato na may dugong ta-artits na nangunguna raw siya sa lahat ng mga survey na isinagawa.

Natural na siya ang mangunguna dahil siya ang nagbabayad marahil ng mga survey firms.

Ganito naman talaga ang nangyayari kapag may national o mid-term election sa bansa dahil malinaw na isa itong paraan upang i-kondisyon ang isipan ng mga botante kung sino ang kanilang dapat na iboto, maliban na lamang siyempre kung mga kilalang survey firms na ang magsasagawa ng pagsusuri.

Napatunayan na rin kasi sa maraming pagkakataon na tumutugma sa resulta ng halalan ang inilalabas na pagsusuri ng mga prestihiyosong survey firm.

Kahit na siguro maglabas ng kani-kanilang pagsusuri, gamit ang iba’t-ibang survey firms, ang mga tumatakbong pulitiko sa lokal na posisyon, sa dakong huli ay mga botante pa rin ang masusunod kung sino sa akala nila ang karapat-dapat na mamuno sa kanilang lungsod, munisipalidad o lalawigan.

Kaya huwag mapagpatol sa mga survey. Isapuso natin kung sino ang nararapat na ihalal sa darating na Mayo 13.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleGubernatorial Candidates’ Forum 2019, naging payapa
Next article‘Beat the heat’
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here