Home Bulacan Local News Suspek sa pagdukot, pagpatay sa 5-year-old sa San Jose del Monte, arestado!

Suspek sa pagdukot, pagpatay sa 5-year-old sa San Jose del Monte, arestado!

152
0
SHARE
Ang suspek sa pagpatay ng isang 5-year-old na kindergarten student na si Eman Lambuhon, kasama si P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., city chief of police makaraang mahuli ito nu'ng Martes ng madaling araw, September 17, 2019. (Larawan mula sa CSJDM PNP)

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Naaresto alas-12:20 ng madaling araw nu’ng Martes (Sept. 17) ang suspek sa pagdukot at pagpatay sa isang 5 taong gulang na batang babae sa Brgy. Sto. Cristo sa nabanggit na lungsod.

Ang suspek na si Eman Lambuhon habang dumaraan sa galit na galit na ina ng biktima matapos itong madakip nu’ng Martes. (Larawan mula sa CSJDM PNP)

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., SJDM City chief of police, kinilala ang suspek na si Eman Lambuhon, 24 anyos, construction worker, residente ng Del Monte Heights, Brgy, Kaypian, CSJDM, habang ang biktima ay nakilalang si Princess Angela Dumbrigue, kindergarten student at nakatira sa Blk 10, Lot 11, Euro St. sa Brgy. Kaypian.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:30 ng madaling araw ng Linggo (Sept. 15) ay sapilitang pumasok ang suspek sa bahay ng biktima habang ito ay natutulog kasama ang mga magulang.

Sa hindi pa malamang dahilan ay binuhat ng suspek ang biktima at dinala sa labas ng bahay at tinakbo sa main road kung saan nakita ito ng ilang naka-istambay na kapitbahay na agad na sumigaw ng tulong habang hinahabol ang suspek.

Nang magawi ang suspek sa madamong lugar ng naturang barangay ay pinalo nito ng matigas na bagay ang ulo ng biktima at mabilis na tumakas habang naiwan ang biktima na naliligo sa sarili dugo.

“Mabilis na naitakbo ang biktima sa Grace General Hospital sa Barangay Mulawin ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga dotor,” ani Castil.

Ang biktima na si Princess Angela Dumbrigue na naliligo sa sariling dugo matapos paluin ng suspek ng matigas na bagay ang ulo nito na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito. (Larawan mula sa CSJDM PNP)

Mabilis na naglatag ng mga follow-up operations ang City of San Jose del Monte police sa pangunguna ni Castil para sa agarang pagdakip sa suspek.

Lunes ng gabi ng makatanggap ng impormasyon ang kapulisan na may katagpuan ang suspek sa Barangay Sto. Cristo sa naturang lungsod.

Mabilis na nagdispatsa ng mga pulis sa nabanggit na lugar na nagresulta na pagkakahuli sa suspek bandang alas-12:20 ng madaling araw ng Martes.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng CSJDM police ang suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban dito. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleFernando stresses right job for right people in Job and Livelihood Fair 2019
Next article2 ‘drug pushers’ killed, 5 others nabbed in drug operations in Bulacan
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here