Suspek sa pagpatay at pagkain ng parte ng katawan ng biktima, naaresto ng Bulacan CIDG

0
978

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Naaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pangunahing suspek umano sa pagpatay at pagkain ng parte ng katawan ng biktima sa Barangay Igolot sa Bayan ng Bocaue nitong Martes ng hapon (March 2).

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Luke Ventura, Provincial Officer ng Bulacan CIDG, kinilala ang suspek na halos dalawang taon nang nagtatago sa batas na si Marlon Cruz, y Castillo, 42 anyos, residente ng 52 Mercado St. Brgy. Tiaong, Guiguinto, Bulacan habang ang biktima nito ay kinilalang si Roger Herrera ng Brgy. Tabe, Guiguinto.

Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Caroline Soriano-Rojas, Presiding Judge, 3rd Judicial  Region, RTC Branch 84, Malolos City, Bulacan at may date na July 30, 2020 sa kasong Murder.

Sa naging panayam ng RONDA BALITA sa suspek, mariin na tinatanggi nito ang pagpatay at pagkain sa parte ng biktima na si Herrera. Ayon sa suspek ang kanyang tiyuhin na si Ely Cruz umano ang pumatay sa biktima at ginawang pulutan ang parte ng binti nito.

Nangyari umano ang pagpatay sa Brgy. Cutcot, Guiguinto nung taong 2019 sa pamamagitan ng dalawang saksak sa dibdib ng biktima

Inamin din ng suspek na nakita niya nang kainin ng kanyang tiyuhin ang parte ng binti ng mismong biktima na si Herrera matapos itong patayin.

Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa kulungan ng Bulacan CIDG para sa patuloy na imbestigasyon at dokumentasyon. (RONDA BALITA Online)

Previous article22 arrested in anti-crime operations of Bulacan police
Next articleP500K worth of shabu seized in Bataan, suspect arrested
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here