Suspek sa pagpatay sa mag-ina sa Hagonoy, arestado!

0
717

HAGONOY, Bulacan — Sasampahan ng kasong two counts of murder ang isang matadero makaraang matukoy na siyang pangunahing suspek sa pagpatay sa mag-ina sa Purok 2, Barangay Mercado sa nasabing bayan na nadiskubre nu’ng Biyernes ng tanghali (Aug. 21).

Ang naarestong suspek na si Alberto Aguinaldo – photo from Hagonoy Bulacan Municipal Police Station

Posted by Hagonoy Mps on Sunday, August 23, 2020
Video source from Hagonoy MPS

Base sa nakalap na ulat ng RONDA BALITA Online, kinilala ang ang naarestong suspek na si Alberto Aguinaldo, 20-anyos, binata, isang matadero at kapitbahay ng mag-ina sa naturang barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya bandang 9:30 ng gabi nung Biyernes nang arestuhin ang suspek sa Barangay Hall ng Mercado matapos na ireklamo nang pagbabanta na papatayin nito ang kaanak ng mga biktima matapos na magkasalubong sa kalsada.

Image source: Hagonoy Bulacan Municipal Police Station

Sa inisyal na imbestigasyon, aminado ang suspek na siya ang gumawa ng karumal-dumal na pagpatay sa mag-ina dahil hindi aumano siya pinayagan magkabit ng linya ng kuryente sa bahay ng mga biktima.

Sa patuloy na salaysay ng suspek, umakyat umano siya sa bubong ng bahay ng mga biktima Martes (Aug. 18) sa pagitan ng alas-3 at alas-4 ng madaling araw at nang makapasok ay magkasunod na sinaksak ng kutsilyo ang mag-ina nang magising ang mga ito saka kinuha ang limang libong piso sa pitaka ng matandang Tungol.

Posted by Hagonoy Mps on Sunday, August 23, 2020
Video source from Hagonoy MPS

Naging person of interest ang suspek matapos lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya ang footprints na iniwan ng suspek sa crime scene gayundin ang bakas ng kanyang mga kamay na nagtugma sa nakalap sa barangay na pinatunayan naman ng SOCO.

Nakuha din ng kapulisan ang kutsilyo na ginamit ng suspek sa pagpatay sa mag-ina.

Nahaharap ang suspek sa 2 counts of murder bukod pa sa kasong pagbabanta at resisting arrest sa Piskalya. (RONDA BALITA Online) 

Previous articleRice and chicken for Bulacan drivers
Next articlePDEA seizes P3.4M worth of shabu, arrests 3 in Quiapo drug bust
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here