Home National News Suspek sa pananaksak sa mag-lola sa Plaridel, arestado

Suspek sa pananaksak sa mag-lola sa Plaridel, arestado

122
0
SHARE
Ang pangunahing suspek sa kaso ng pagnanakaw at pagpatay sa mag-lola sa Isabel Village, Barangay Tabang, Plaridel, Bulacan habang kinakapanayam ng mga mamamahayag matapos itong madakip nu'ng Martes ng gabi (Jan. 8).

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Dahil sa mabilis na aksyon ng kapulisan ay agad na nadakip ang isang lalaki na umano’y suspek sa pananaksak at pagpatay sa mag-lola sa Isabel Village, Barangay Tabang sa bayan ng Plaridel nung Lunes ng umaga (Jan. 7).

Nagpapasalamat si Mayor Jocell Vistan sa maagang pagkadakip sa suspect na naglaan ng halagang P100,000 para sa ikareresolba ng nasabing kaso ng pagpatay sa naganap na pulong pambalitaan habang nakikinig si Bulacan Provincial Director Sr. Supt. Chito Bersaluna at ang mga kaanak ng mga biktima.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, Bulacan Provincial Director, itinuro ng isang impormante ang kinaroroonan ng suspek na kinilalang si Jay Vincent Marmeto, 27-anyos, residente ng Rita Subdivision sa nabanggit din na barangay.

Kilalang nagtatrabaho sa isang pet shop ang naturang salarin at bakas sa mga braso nito ang sugat matapos manlaban ang mga biktima.

Nakuha din ang pantalon na may bakas ng dugo na suot ng suspek ng isagawa ang krimen.

Pinagsasaksak ng suspek sina Sylvia Castillo, 64 anyos, at 13 anyos na apo nito Lunes ng madaling-araw habang nagpapagaling naman sa pagamutan ang 7 anyos na apo ni Castillo matapos magtamo ng 8 saksak.

Kuwento ng kaanak ng mga biktima, dumaan pa sa burol ang suspek. Nagtanong pa ito kung nakita nila sa CCTV ang suspek.

Ayon sa suspect pagnanakaw lamang ang kanyang pakay sa bahay ng mga biktima para sa panganganak ng kanyang asawa. Humingi naman ng tawad sa mga kamag anak ng biktima ang supect.

Ngunit emosyonal naman ang mga kaanak ng biktima at sinabing sana ay nanghingi ka na lamang at maaring bigyan ka namin.

Nagpapasalamat naman ang punong bayan ng Plaridel na si Mayor Jocell Vistan sa maagang pagkadakip sa suspect na naglaan pa ng halagang P100,000 para sa ikareresolba ng nasabing kaso ng pagpatay.

Mahaharap ang suspek sa kasong attempted robbery with double homicide and frustrated homicide. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMga gasgas ng New Year’s resolution
Next articlePRRD graces groundbreaking of school buildings in Bulacan
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here