Home Taklesa ‘‘Swapping’ ng posisyon, usong-uso o nataon lang?

‘‘Swapping’ ng posisyon, usong-uso o nataon lang?

38
0
SHARE

HINDI maikaiila na ito ang “usong-uso“ o “in” ngayon sa kasalukyang takbo ng pulitika sa ating lalawigan.

Ang pagpapalitan ng kanilang mga puwesto ng mga pinuno sa ating bayan o lungsod. Kumbaga eh, nagpalitan lang ng posisyon pero ang kabuuan ay sila pa rin. Same-same, pare-parehas. Same face lang.

Haisssst. Pulitka nga naman sa ating bansa.

Kaya ang “feeling“ ko mga ka-Taklesa ay sila lang ang “magagaling” sa kanilang mga bayan o lungsod at wala ng iba. Tsuk!

Pero actually (actually daw), nagaganap ito hindi lang sa ating lalawigan kundi kahit sa ibang lugar. May tawag po diyan. Pero hindi ko po maalala eh.

At kung hindi naman pagpapalitan ng puwesto ay yung mga asawa ang ipinapalit sa kanilang posisyon. Kesehodang, salat ito o puno ng karanasan, ang mahalaga ay hindi napunta sa iba ang posisyon. Ganun!

Pero kung kwalipikado naman ang magiging “swapping” eh, why not? coconut! Para namang may magagawa tayo? Hindi po ba?

Let’s started sa pinaka-mataaas na posisyon sa ating lalawigan. Ang pagpapalitan ng puwesto ng gobernador at bise gobernador. Si Vice Gov. Daniel Fernando naman sa Punong Lalawigan habang si Gov. Willie Sy-Alvarado ang papapalit na pangalawang punong lalawigan.

Eh di, wala ring naiba? Sila pa rin? Ginalingan eh. Kaya palit lang sila.

Sa bayan ng Bustos po. Si Mayor Arnel Mendoza ang kasalukuyang alkalde ay tatakbo namang bilang bise alkalde sa 2019 Midterm elections habang ang kanyang bise alkalde na si Leonardo Leoncio ang tatakbong Mayor. Eh, ganun talaga. Sila sila lang. Hehehe.
Sa bayan naman ng Bulakan, kung si Mayor Patrick Meneses ang kasalukuyang alkalde ngayon, tatakbo naman siyang vice mayor sa susunod na eleksyon habang ang kanyang kapatid na si Coun. Piccolo Inigo F. Meneses na kasalukuyang konsehal ng bayan ay tatakbo namang alkalde. Haissst…

Magawi naman tayo sa buludunduking bahagi ng Bulacan, sa Doña Remedios Trinidad o DRT. Kung si Mayor Ronaldo T. Flores ang kasalukyang mayor dito ay sa 2019 elections ay ang kaniyang butihing maybahay ang papalit sa kanya.

Habang sa lungsod naman ng Meycauayan mga ka-Taklesa ay nagpalitan lang ang pinaka-mayaman sa ating lalawigan, ang mag-asawang Villarica. Si Mayor Henry Villarica ang tatakbong Kinatawan ng 4th District sa Kongreso habang ang kanyang may-bahay na magtatapos ang tatlong termino bilang congresswoman ang siya namang tatakbong alkalde sa nasabing lungsod.

Itutuloy na lang po natin mga ka-Taklesa ito sa susunod dahil hindi pa po nagpa-file ng COCs ang iba. Wait lang po muna tayo.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350.

SHARE
Previous articlePresyo ng bigas sa Bulacan, bumaba ng mahigit sa P7 — NFA
Next articleMPTC bares key executive appointments
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here