Home Showbiz Sylvia Sanchez inspirasyon ng mga ina

Sylvia Sanchez inspirasyon ng mga ina

507
0
SHARE

GINULAT ni Sylvia Sanchez ang entertainment press sa presscon ng kanilang movie nina Sophia Andres at Diego Loyzaga, ang Mama’s Girl ng Regal Films.

Bumalaga ba naman ang boobs niya na ikinamangha ng lahat at maging ang producer na si Mother Lily.

Sabagay, carry naman ni Ibyang ang magsuot ng mga sexy dresses at bagay sa kanya. Actually, she looks sexy and classy sa kanyang oufit nu’ng araw niya.

Nag-trending sa social media ang kaseksihan ni mahusay na actress at may nabasa kaming komento na pwede raw palang maging modelo ng isang sexy magazine ang beteranang aktres tulad ng FHM.

“Sylvia is a hot mama, huh!!! She can really..really.. join sa sexy magz like FHM. She’s flaunting her boobs, pero hindi bastos tingnan. I love her!!!” (Hala, ayaw ni Papa Art ng ganyan, di ba BKC).

Anyway, ipinagmamalaki ni Sylvia ang movie nilang Mama’s Girl. Isa raw itong happy movie na pinaghalong millennials at ng henerasyon noon.

Sabagay, sa trailer ng movie makikita agad na maganda ito dahil kwento ng isang ina at ng kanyang anak.

Pahabol pa nga ni Ibyang: “Kapag lumabas ang mga manonood ng Mama’s Girl tiyak masasabi nilang, gagawin ko ang ginawa ni Sylvia para sa kanyang anak. Hindi siya mabigat sa dibdib, pero yung kurot ng istorya ay mararamdaman pa rin hanggang matapos nang mapanood, kumbaga, magiging inspirasyon nila ako bilang isang ina.”

Sa January 17 na palabas ang Mama’s Girl na mapapanood sa lahat ng sinehan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here