Symptomatic, Pre-symptomatic, Asymptomatic

0
92
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

INILARAWAN sa tatlong kategorya ang mga taong naging infected ng Covid 19 at ang mga ito ay ang Symptomatic, Pre-symptomatic at ang Asymptomatic.

Samakatuwid, ang mga tao na nasa kalagayan ng tatlong kategoryang iyan ay pare-parehong may taglay na coronavirus. Ang symptomatic na pasyente, ayon sa World Health Organization (WHO) ay kinakikitaan ng mga sintomas tulad ng mild, moderate, severe at critical.

Ito ring symptomatic umano ang mabilis makahawa sa unang tatlong araw ng pagiging positibo ng pasyente dahil nasa ilong at lalamunan pa nila ang Covid 19 bago bumaba ang virus sa lungs o baga kaya napakahalaga umano na agad ma-detech ang kalagayan ng symptomatic patient upang hindi siya makapagkalat ng virus.

Ang pangalawa ay ang pre-symptomatic. Ito ang mga taong infected ng covid na kinakikitaan ng mga sintomas makaraan ang lima hanggang anim na araw. Ayon sa isang Pilipinang duktor, may ulat anya na nakapagsasalin ng virus ang pasyenteng pre-symptomatic bago siya magkaroon ng mga sintomas ng covid.

Ito namang symptomatic ay ang mga taong infected ng covid pero walang sintomas ng coronavirus desease. Sa kabutihang palad, wala pang report na nakahahawa ang mga taong symptomatic.

May pahayag ang mga taong symptomatic na nakarekober sa Covid 19 na totoo raw na nawawalan ng pang-amoy at panlasa ang covid patients. Bigla umanong nawala ang kanilang pang-amoy at panlasa at kasunod niyon ang lagnat at hirap sa paghinga.

Kaya ibayong pag-iingat ang dapat nating gawin. Huwag kaliligtaan ang mga health protocol tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield,  social distancing at madalas na pagsasabon at paghuhugas ng mga kamay. Kung lalabas naman ng bahay o papasok sa trabaho ay magdala ng alcohol at hand sanitizer.

Matatagalan pa marahil bago makarating sa ating mga lugar ang bakuna kontra covid dahil kahit magsagawa clinical trial ang bakuna ng Russia, China, America at iba pang mga bansa at bibilang pa ng anim na buwan o isang taon bago lumabas ang resulta ng mga taong sumailalim sa clinical trial ng bakuna. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here