Home EXTRAFONTS Taal Volcano, patuloy na namiminsàla

Taal Volcano, patuloy na namiminsàla

29
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

IPINAKITA sa video footages ng GMA 7, sa kanilang pagbabalita ang mga lugar sa lalawigan ng Batangas, na labis na pininsala ng ashfall na ibinuga ng nag-alburutong Bulkang Taal.

Sa bayan ng Laurel, ay maraming bubong ng mga kabahayan doon ang nagbagsakan dulot ng makapal na putik na galing sa bulkan. Pati ang mga sanga ng mga puno at nabali dahil sa pagbigat ng mga dahon na napuno ng putik.

Nakalukungkot na pati ang mga ibon ay nangangamatay dahil ang mga sanga ng mga punongkahoy na kanilang pinamamahayan o dinadapuan ay napuno ng abo galing sa Taal Volcano.

Maraming business establishment sa Tagaytay City, ang nagsipagsara dahil nag-uwian ang mga turista na naka-check in sa mga hotel dahil sa patuloy na pag-ulan ng putik at abo sa buong siyudad.

Ayon sa mga motorista nahihirapan silang bumiyahe pababa ng Tagaytay dahil sa madulas na kalsada na nababalot ng putik at kapag natuyo ang putik ay umaalimbukay naman ang alikabok.

May mga kakilala ako sa bayan ng Silang, sa Cavite province ang nag-chat sa akin at sinabi niya na makapal din ang ashfall na bumagsak sa lugar nila. Ang bayan kasi ng Silang ay kanugnog ng Tagaytay City, kaya ramdam sa lugar nila maging pagyanig dulot ng pag-aalburuto ng Taal.

Sa ganitong sitwasyon ay hindi normal ang pamumuhay ng mga Batangueño dahil ang malaking bahagi ng lalawigan ng Batangas ay naapektuhan ng ashfall. Mahirap gumalaw kung ang lugar nila ay patuloy na na inuulan ng putik

Tulad ng dapat asahan, hindi rin normal kalagayan ng mga bakwit, na namamalagi sa mga evacuation center dahil hindi biro ang mamalagi ng matagal sa mga evacuation center. Lalo namang mahirap ang mamalagi sa mga bahay dahil ang mga mamamayang apektado ng ashfall, lalo na kung nag-evacuate ang iyong mga kapitbahay dahil sa kalagayan ng naturang bulkan na patuloy sa pagbubuga ng ash column.

Sinasabi rin na nakaabot ang abo na ibinuga ng Taal Volcano, sa Central at Northern Luzon, dahil sa direksiyon ng hangin na pahilagang-silangan. Wala naman akong nakita na bakas ng abo sa aming lugar, pero ayon sa news report ay nakaabot pa raw sa lalawigan ng Pangasinan ang ashfall.

Ang pinakamahalagang gawin ng nga kababayan nating apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal, ay ang manalangin sa Diyos, at gawin ang ibayong pag-iingat sa lahat ng oras. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous article2 dump truck huli sa illegal quarry sa Norzagaray
Next articleJail Warden Ret. Col. Rivero, binago ang bihis ng Panlalawigang Piitan
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here