Home Editorial ‘Taba-pulis, tabang ’di kanais-nais’

‘Taba-pulis, tabang ’di kanais-nais’

247
0
SHARE

MARAMI sa pulis ngayon ang “obese“ o yung mga “extremely or unhealthily fat or overweight,” at hindi magandang tignan sa mga katulad nilang mga nagpapatupad ng batas. At karaniwan pang mga obese ay yung mga nasa mababang ranggo, ang mga PO1.

Noon, kapag ang isang pulis ay bagong graduates o katatalaga pa lang sa isang lugar, ang aasahang sasabihin ng mga nakakakita ay isang “baguhan“ pa lamang sa puesto. Hindi pa marunong gumawa ng kabalastugan kaya’t payat pa! Pero aasahang tataba rin ito kasabay ng pagtaba ng bulsa nito dahil garapalan na itong mangongotong!

Napakasamang imahe na maririnig noon sa mga baguhan at matatabang pulis.

Pero ngayon, ay baliktad na ang nangyayari dahil maraming PO1 ang matataba at halos hindi na maitago ang bilbil sa asul na uniporme.

Malaking problema ito kung may hahabuling kriminal sapagkat tiyak na hindi makakatakbo si PO1 o si PO2.

Paano mapagsisilbihan at mapuprotektahan ang mamamayan kung ganitong hindi siya makahabol sa mga kawatan? Babarilin na lang? At sasabihin na nanlaban?

Noong si Sen. Panfilo Lacson pa ang PNP chief, nagkaroon siya ng kampanya na dapat ay 34 inches ang waistline ng mga pulis. Kapag lumampas sa 34, dapat sumailalim sa fitness program.

Marami pa nga ang inatake dati dahil sa biglaang pagpapaliit ng tiyan. Pero ang batas ay batas.

Ipinatupad ito ni Lacson kaya nabawasan ang mga obese na pulis. Nang mawala si Lacson sa PNP, nawala na rin ang kampanya sa mga “taba-pulis”. Ang mga sumunod pang PNP chief ay wala nang naging programa para maging fit ang mga pulis. Hinayaan nang lomobo ang mga ito at sa kasalukuyan, marami pang “taba-pulis” ang naglisaw sa mga presinto.

Ibalik ang kampanya laban sa mga obese na pulis. Isailalim sa dibdibang workout ang mga pulis, Hindi magandang pagmasdan ang pulis na mataba. Sa dami ng mga nangyayaring krimen ngayon, kailangan sa mga pulis ay matitikas at handang makipagsabayan sa mga “halang ang kaluluwa”.

Pero paano nga ba ibabalik kung pati ang PNP chief ay isa ring miyembro sa pagka-obese? O, sadyang malaki lang ang tiyan ni PNP Chief Dela Rosa? Sir?

Magkaroon nang paghihigpit sa pagre-recruit o pagtanggap sa mga baguhang pulis. Kadalasan, may mga padrino ang mga nakakapasok na pulis ngayon kaya kahit na “obese” ay natatanggap.

Huwag pairalin ang palakasan sa pagkuha ng mga miyembro ng PNP.

SHARE
Previous articleSinalaula ng isang konsehal ng bayan ng Hagunoy ang by-laws ng FETODA
Next articlePagbabawal na Makakuha ng Spot Report, Direktang Pag Atake sa Freedom of Information Bill
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here