Tagahanga ni Ella at Erich, si Nadine naman ang puntirya!

0
52

UMARANGKADA na naman ang Xian Gaza na mahilig magpalipad-hangin sa mga magagandang actress.

Nu’ng 2016 ay nanligaw siya kay Ella Cruz, pero hindi umubra ang kanyang yaman para maging girlfriend ang actress.

2017 ay si Erich Gonzales naman ang naging apple of the eyes niya. Naging usap-usapan ang pag-iimbita niya sa Kapamilya actress sa pamamagitan ng Billboard kung saan iniimbitahan niya ng coffee date si Erich.

Hindi rin umubra ang panliligaw ng Xian Gaza na ito sa actress. Denicline ni Erich ang paanyaya nito

Ngayong Valentine’s month si Nadine Lustre naman ang kanyang dinidiskartehan.

Pinadalhan niya ng Bouquet of Mustang ang actress na ipinost ni Gaza sa kanyang FB account.

Ani Gaza, gagawin niya ang lahat para makuha ang atensyon ng babaing gusto niya.

Tulad raw ng epic fail billboard niya kay Erich nu’ng 2017.

“Three years after nagpapapansin na naman ako. Maaari na naman magmukhang tanga at katatawanan ng publiko but IDGAFsa opinion ng iba.

Dugtong pa ni Gaza: “This is me… this is how I express myself… this is the way I am…”

May sinasabi pa si Gaza na baka isipin daw ng madlang pipol “that Ford Mustang is too much na parang binibili kita pati ang pagkababae mo… Nope Boquet of Mustang as a Valentine’s Gift because that’s how I value you as a woman.”

“All I want is to ben your acquaintance nothing more… nothing less.. Happy Valentine’s Nadine!”

Ang mga netizens ay natatawa na lang kay Gaza.

May post pa kasi si Gaza ng kung magkano ang kanyang kinikita. At kung papano raw niya gagastusin ang kanyang milyones.

Hindi kasi siya pinaniniwalaan ng mga netizens dahil umano sa kanyang kayabangan.

Aniya: “Bago ka magsabi ng hindi maganda at magmagaling kung papaano ko wawaldasin ang aking sariling pera, siguraduhin mo muna na kaya mo ring kumita ng 14 milyong pesos sa loob lamang ng limang linggo.”

“Kahit ilang milyones pa yan kung wala namang naniniwala sayo, sinong talo?”

Ayon pa sa netizens, “Para na syang may sick mind.”

Ano kaya ang masasabi ni Nadine sa post Bouquet of Mustang ni Gaza para sa kanya. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here