Home Katropa Rumoronda Tagumpay ng San Jose del Monte, ipinagdiwang

Tagumpay ng San Jose del Monte, ipinagdiwang

81
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAIS natin bigyan pansin ang naging kaganapan, kamakailan, sa Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan. Narito ang balita sa pagdiriwang ng ika-100 taong pagkakahiwalay ng noon ay sinasabing baryo, na ngayon ay isa ng ganap na Lungsod, ang San Jose Del Monte, mula sa bayan ng Sta. Maria. Bulacan.

Ginanap ang okasyon sa City Sports Complex, Barangay Minuyan, City of San Jose del Monte, na may temang “Paglingon sa kasaysayan, pagpaparangal sa natatanging lingkod bayan,” at isang daang taong pagseserbisyo sa bayan, ay ang pagbibigay parangal kay Igg. Ciriaco Gallardo bilang “Unang Ama ng Bayan” na tinanggap ng mga kasapi ng kanyang pamilya.

Ayon sa Punong abala na si Mayor Arturo B. Robes, “kung one hundred years ago nandoon lang tayo sa ilalim ng puno ng saging nagse-celebrate ngayon po dito na San Jose del Monte Sports Complex na tinatabihan pa ng City College of San Jose del Monte. Sana po sa ika-100 taon nating pagdiriwang, ito ay maging isang magandang alaala sa bawat isang mamamayan sa San Jose, na isang daang taon ang lumipas, nandito tayo sa pagdiriwang ng ika-100 taon, kasama niyo ang inyong Punong Lungsod at ang ating Kinatawan sa Mababang Kapulungan para mas lalo nating mapaganda, lalo nating mapaunlad at maibigay ang tamang progreso ng ating ‘The Rising City.”

Sinabi pa rin ni Mayor Robes na ang mga kasalukuyang mamumuhunan sa Lungsod ay kanilang patuloy na sinusuportahan, ang kanyang administrasyon ay lagiang nakaantabay sa kaunlaran ng lungsod. Hinikayat din niya ang iba pang mga mangangalakal na mamuhunan sa tinaguriang “The Rising City,” upang makasama at maging kahaligi sa kaunlaran ng Lungsod.

Nagbigay din ng mensahe si Dr. Dennis Booth, City Administrator, ng Lungsod ng San Jose, “ isang kaganapang maituturing na simula ng mahiwalay ang San Jose Del Monte, ito ay naging Lungsod at ngayon ay masasabi na ang kaunlaran ay ating nakikita at tinatamasa na ng mga San Josenios. Anupa’t ang Lungsod ng San Jose Sel Monte, ay nakilala at pumailanlang sa kasaysayan ng Lalawigan ng Bulacan at sa buong Mundo. Tayo ang tinaguriang ‘The Rising City.’

Naging panauhing pandanggal sa programa sina: Sec. Harry L. Roque Jr., Presidential Spokesperson; Sec. Francis N. Tolentino, Political Adviser to the President, dating Senador Jose “Jinggoy” Ejercito Estrada Jr.; at Imee Marcos, Punong Lalawigan ng Ilocos Norte, na pawang mga nagpaabot ng mensahe, pagbati at papuri sa patuloy na pag-unlad at pababagong bihis ng Lungsod ng San Jose del Monte.

Naging matagumpay ang nasabing okasyon, dahil dito ay buong puso naman ang naging pasasalamat ng magkatuwang sa serbisyo Mayor Arturo B. Robes at Congresswoman Florida “Ate Rida” P. Robes sa lahat ng San Joseño na nakiisa at dumalo sa programa.

Tsk! Tsk! Tsk! Masaya ang naging selebrasyon at marami ang pumuri sa maaayos na presentasyon. Bagamat hindi nakadalo ang Punong lalawigan Willy Sy-Alvarado at VG Daniel Fernando, sila ay pinasalamatan pa rin ng ating Punong Bayan Art Robes. Lalong nabuhay ang hapong iyun ng kumanta sila Jaya, Mariz at Lloyd Umali ng kani-kanilang mga piling awitin.

Kung may nais kayong ipalathala sa ating kolum ay mangyaring ipadala sa ating email address: billones@ralo.org / katropa2003@yahoo.com. Hanggang sa muli.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here