Taiwanese, 6 iba pa sugatan sa pagsabog ng tunawan ng bakal sa Pampanga

0
310

SAN SIMON, Pampanga — Pito ang sugatan kabilang ang isang Taiwanese national ng biglang sumabog angisang oxygen cylinder sa loob ng tunawan ng bakal sa Brgy. Sta. Monica sa nasabing bayan nu’ng Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na pawang empleyado ng SKK Steel Corportion na sina Daniel Bognadon, 53 taong gulang, residente ng Brgy. San Isidro, Glen Gano ,47, ng Apalit, Pampanga, Jerudio Mallo, 31, ng Apalit, Jessie Uy, 29, Angelito Espiritu, 37, Russel Bondoc, 25 na pawang nakatira sa loob ng SKK compund at ang Taiwanese na si Cheng Chen Chung, 46 taong gulang.

Ayon sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jay-R Dela Cruz, isang oxygen cylinder ang sumabog sa lugar ng pinagtatrabahuhan ng mga biktima bandang alas-10 ng gabi.

Ayon naman kay F03 Amaid Macapayag ang arson investigaror ng BFP San Simon, ganap na 11:30 ng gabi ng rumesponde sila sa pagsabog at base sa kanilang imbestigasyon ay nagkaroon ng gas explosion.

Naisugod sa ospital ang 7 trabahador na nasabugan at kalaunan ay nakauwi na aniya ang 6 dahil minor lamang ang natamong sugat.

Isa aniya ang nagtamo ng 3rd degree burn na patuloy na ginagamot sa JBL Hospital.

Aniya nakordon na ang nasabing pabrika at tigil operasyon ngayon habang patuloy ang isinasagawa nilang imbestigasyon.

Nangangamba naman ang Kapitan ng Barangay na si Jesus Tayag para sa kaligtasan ng mga manggagawa at mga residente ng kaniyang nasasakupan.

Dahil pangalawang beses na ito na may nangyaring pagsabog sa kanilang lugar.

Nais ng kapitan na imbestigahan ang naturang tunawan ng bakal maging ang iba pang pabrika malapit sa kaniyang lugar. (RONDA BALITA Online)

(Mga kuha ni Jose Erwin Bunag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here