Talumpati ni Gov. Fernando sa mga batikos ng ilang media, madamdamin!

0
75
Opinion Column ni Vic  Billones lll

ISANG madamdaming talumpati ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang kanyang ibinahagi sa idinaos na pa-Christmas Party ng Capitolyo para sa mga mamamahayag ng Bulacan, ginanap sa Hiyas Convention, Kamakailan.

Binigyan diin ni Fernando sa kanyang pananalita ang lahat ay kailangan matakot sa Diyos, huwag magbatuhan ng putik sa mukha, huwag tayong mag-plastikan. Mga salitang ngayon lang narinig ng lahat, ika pa niya, ako ay isang artista at hindi pulitiko, hindi ko gustong maging Gobernador, sapagkat ang Diyos ang may gawa nito. Milagro ang nangyari sa buhay ko.

Nag-ugat ang mga may talim na pananalita ng butihing Gobernador, dahil sa mga pitik at pasaring na banat na nababasa niya sa ‘social media,’ gawa ng ilang mamamahayag. Isinalaysay pa niya na dahil sa gabay ng Panginoon ay nangibabaw siya sa una at pangalawang debate nitong nakaraang halalan. Kailangan maging ‘transparent’ tayo, ayokong nagisisraan, at hindi ako gagawa ng palpak, gusto ko ang mabilis na trabaho, ika pa ni Fernando.

Sinabi pa niya na ang kanyang pagtingin sa mamamahayag ay pantay-pantay, walang itinatangi, kaya sa lahat ng mga ‘accredited’ o hindi, ay okey sa kanya, sumunod lamang sa mga patakaran, dahil ika pa niya na wala namang masama. Magyakapan tayong lahat.

Tsk1 Tsk! Tsk! Natural lang kay Gobernador ang masaktan, lalo at ang mga mamamahayag na gumagawa ng hindi tama o mali, sa kanyang pagaakala, ay kanyang inaasahang mga kaibigan. Ika nga niya huwag tayong mag- plastikan. Gayunpaman sa kabilang panig, kailangan din maunawaan ng lahat na ang gawain ng mamamahayag ay puno ng pakikibaka.

Andyan purihin nila ang isang tao o batikusin, sa inaakala pa rin nilang pagkukulang o umaabuso sa serbisyo, lalo kung ito ay lingkod bayan.

Ang isang mamamahayag ay maaaring gumawa ng panulat na may batikos, upang magamit itong gabay, at maisaayos ng ganap ang serbisyo ng kanyang pinatutungkulan.
Ang gawain ng mamamahayag ay pumuri, bumatikos, umaliw, magbalita, maglahad ng katotohanan at impormasyon para sa kaalaman ng balana, at pakatandaan sila ang mata ng bayan.

*****

Mensahe sa Kapaskuhan ni CA Booth ng CSJDM

Ang Pasko ay palapit na ng palapit, narito po ang mensahe ni Dennis Booth, Ph.D., City Administrator ng City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan: “Ngayong Pasko habang naiisip natin ang mga biyayang pagpapala na kaloob ng Poong Maykapal, ay huwag nating kalimutang manalangin, hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para na rin sa mga taong umaasa ng ating kalinga, pagmamahal at paglilingkod. Ang kamangha-manghang pagdiriwang ng kapanganakan ng Panginoong Jesus ay sagisag ng pagmamahalan. Nawa ay magkaroon tayo ng masagana at maligayang Pasko at Manigong Bagong taon 2020.”

Tsk! Tsk! Tsk! Salamat at Advance Merry Christmas to all. Kudos at Happy 60th birthday sa isang San Josenio na isa kong Klasmeyt na si Chato Abas. Mabuhay po tayong lahat. Hanggang sa muli! (RONDA BALITA Online)

Previous articleTeacher Protection Act? Dapat Lang!
Next articleKris Aquino: Tigilan na ang fake news!
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here