Talyer sa Baguio City dapat ipasara

3
5777

NANANAWAGAN po tayo sa mga may ari ng sasakyan diyan sa Baguio City at sa mga nagpupunta diyan sa malamig na siyudad para mamasyal at makapag relax na kung sakali na kayo ay masiraan o magkaproblema sa inyong mga sasakyan pakiusap po at maawa kayo sa inyong mga BULSA at SARILI huwag na huwag kayo pupunta sa talyer ng AUTO PERFORMANCE AUTO PARTS AND REPAIR SHOP na pagmamay-ari ng isang nagngangalan na Mr. Danilo Baybayan na may puwesto diyan sa panulukan ng Kilometer 4 Marcos Highway, Bakakeng Central, ng nasabing lungsod.

Alam po ba ninyo kung bakit mga kabsat at mga kababayan? Dahil MANLOLOKO AT HINDI MARUNONG TUMUPAD SA USAPAN ang may-ari at mekaniko ng talyer na yan!

Base sa naging kasanasan ng aking kasama sa radyo na si DZRJ 810 am Reporter Celestino ” Jojo” Sicat Jr., na nakabase sa Senado, namasyal umano sila ng Baguio kasama ang kanyang asawa at mga kaibigan nitong buwan ng Pebrero 24 taon kasalukuyan para dumalo sa Panagbenga Festival na ginaganap taun taon sa naturang lungsod subalit nasiraan umano ang kanilang sinasakyan na Toyota Corolla model 2000 na may plaka na WBE 232 at napilitan dalhin sa talyer ni Mr. Baybayan at agad siningil ng halagang Php 25,000 na down payment ang pobreng si Celestino “Jojo ” Sicat para pambili ng isang second hand na transmision at ang ilalagay na ATF transmission oil at bayad na rin sa labor.

Nangako umano itong si Mr. Baybayin na magagawa ang nasabing sasakyan sa loob ng dalawang araw kaya’t napilitan si Ginoong Sicat na maghintay at mag stay sa isang hotel.

Subalit nabigo ang may ari at mekaniko na si Baybayan na magawa ang kotse kaya’t nakiusap ito na bigyan pa ng limang araw na palugit dahil na rin sa mga trabahong naghihintay napilitan lumuwas at iwan ng may ari ang sasakyan pabalik ng Maynila.

Dumaan ang limang araw na palugit muling binalikan sa Baguio ni Jojo ang kanyang sasakyan kasama ang kanyang kabiyak at isang kaibigan subalit wala ang mekaniko at ang Nanay lamang nito ang nagbalik ng sasakyan at susi saka muling siningil ng karagdagan na anim na libong piso para sa ATF oil, labor at balanse na Php 2,000 para hindi na mauwi sa pagtatalo ay muling nagbigay ng halagang Php4,000 ang may ari ng sasakyan.

Samakatuwid ay umabot na ng Php27,000 ang naibigay sa may ari at mekaniko ng talyer at pinayagan ng dalhin at kuhanin ni Jojo ang kanyang sasakyan ang hindi inaasahan habang papunta ng Carwash ay muling bumigay ang makina ng sasakyan at ibinalik ulit sa pagawaan ni Mr. Baybayan at nangako ito na personal na ihahatid ang sasakyan sa bahay ng kliyente sa Paranaque ng March 8.

Pagsapit ng March 6, ay nag txt si Baybayan at nagpapadala ng Php1,400 para sa pump repair nangako ang kliyente na magbabayad kapag nadala na ang kanyang sasakyan sa bahay pero panibago nanaman paniningil ang ginawa ng may ari at mekaniko para naman daw sa toll fee at gasolina kaya walang nagawa ang pasensyosong Mama!

Muling nagpadala ng halagang Php2,000 sa account ng PAASA na si Baybayan pero ng tanungin ng kliyente ang mekaniko ay hindi na sumagot hanggang sa araw na ito ay wala parin linaw kung magagawa at makukuha ba ni Mr. Sicat ang kanyang sasakyan.

Muli tayo po ay nanawagan sa alkalde ng Baguio City na aksyonan ang ginagawang panloloko, patuloy na paniningil at pagpapaasa ng mekaniko at may ari ng Auto Performance and Auto Parts Repair Shop na pakitulungan na din po ang may ari na mabawi ang kanyang sasakyan at sampahan ng kaso dahil nagkaroon na ng agravating circumstances na pabor sa kliyente ang nasabing talyer at mekaniko pakituluyan na rin po na MAIPASARA para wala ng maperhuwisyong customer.

3 COMMENTS

  1. Sana po nag imbistiga muna kayo sa side namen hindi yung basta basta na lang kayo mag popost.8 transmission ang pinalit namen jan grabe hirap namen at abonado pa dahil kame binibile lang namen ang transmission sa dagupan kame lang po ay nagkakabit.surplus po yan hindi bago hindi po lahat ng surplus ay garantisado kaya nagsuggest ako irebiuld na lang ang transmission pero ayaw.32 liters atf oil ang nasayang dahil sa mga binibigay sa amin na dipektong transmission sa 18 years na serbisyo namen hindi kame nanloko ng tao dahil lahat ng transmission na nabile ay nasa shop hindi ko pa naisosole.hindi kame manloloko na gaya ng sinasabi niyo.sana pakinggan nio muna side namen bago kayo nanira ng tao.kung manloloko kame sana hindi bumabalikbalik ang mga costumer namen my mga costumer kaming director at sa amin nag papagawa ang mga sasakyan ng gobyerno dito sa baguio hindi po ako papayag na ginaganyan niyo kame.oo nangako ako dadalhin ang sasakyan sa maynila ngunit wala pa talga sa kundisyon at yung sinasabi nio na P1400 hindi pa yan binabayaran sa radiator shop kaya wala akong narerecieved na P1400 nahalaga na sinasabi niyong natanggap ko..mag imbistiga muna kayo bago po kayo manghusga ng tao salamat

  2. Dear Sir/ Madam

    I’am Celestino O.Sicat Jr aka Jojo Sicat DZRJ / Politiko.com Senate Reporter need for your assistance and also file my complaints against the Auto Performance Auto Parts and Repair Shop located in Km 4 Marcos Highway Bakakeng Central, Baguio City owned by a certain Mr. Danilo Baybayan.

    Last Feb. 24, I, went to Baguio along with my family for the celebration of Panagbenga Festival.

    During our trip when we reach along Bakakeng Central my Toyota Corolla 2000 model WBE 232 wont able to run.

    Then I brought my car to the Auto Performance Auto Parts and Repair Shop and Baybayan initially charged me PhP 25,000.00 for the repair of the transmission and replace it for a second hand including labor fee and ATF transmission oil.

    Baybayan promised that the car would be repaired on Feb. 26 so we stayed in Hotel for another two days.

    However, Mr. Baybayan failed to repair my vehicle and asked for five more days until March 3 to finish the job so we had no choice to go back in Manila.

    On that day, ( March 3 ) I traveled along with my wife and friend to Baguio City to get my vehicle. It was Baybayan mother who turned over the vehicle to me. Further, they asked me to pay Php 6,000.00 more for ATF oil at Php 1,000.00+; labor PhP 3,000.00; and PhP 2,000.00 balance.

    I asked his mother how it happened that my balance reached to Php 6,000. I already paid Php 23,000 of Php 25,000 so that my balance would be Php 2,000 only.

    I also asked the whereabouts of Mr. Baybayan however her mother replied to me that he was on a service to repair other vehicle.

    To avoid confrontation I paid Php 4,000 and get my car and the receipt of my payment reached to Php 27,000.

    We went to a car wash and drove around the vicinity to test it. Before we arrive at the Mines View Park, the car failed to run again. Mr. Baybayan arrived on my call and proceeded to assist me. He then asked me to leave the car for repair again and promised that he will personally deliver my car to my residence in Parañaque City on Thursday March 8.

    Then, come Tuesday March 6, Baybayan texted me to send him PhP 1,400.00 for pump repair. I replied that I will pay him that amount upon delivery. On Thursday, he again asked for money to cover the cost of fuel and toll fees. I sent him PhP2,000.00 to his BDO account. He never replied when I asked him if he got the money. He was uncommunicative until Saturday March 10 when he replied to my text saying he will deliver my car on Saturday March 11. I was perplexed that he never replied to my texts & rejected my calls.

    I then called him using my wife’s phone. He answered and proffered an explanation that he had an emergency. I was skeptical because it was already late in the night at 9:00 p.m.He then promised me again to deliver my car on Wednesday March 14.

    The day has passed and I have not heard from him and the car has yet to be delivered until I decided to file a complaint and seek for your assistance to get my car and appropriate action on abusing their client.

  3. Kapag nag-imbestiga mas lalo maraming malalaman na kalokohan mo. Last March 16 Friday wala ka sa talyer mo nagkaroon kami ng pirmahan ng mother mo at kapatid mo sa harao ng Legal ng DTI CAR nasi Atty. Gallardo dahil sa lagi kayong nangangako nagkasundo tayo binigyan kopa ulit kayo ng pagkakataon na tulad ng pangako ninyo March 24 Saturday gawa na sasakyan ko kung hindi ibabalik na ninyo ang pera na binayad ko aa inyo na P29k .

    At kapag gawa na kayo ang maghahatid sa Maynila.

    March 24 eksaktong isang buwan na sa inyo sasakyan ko nag text ako sa inyong mag ina . Sabi ninyo ok na pero hindi ninyo maihahatid ng sabado means sumira na kayo sa usapan natin ng DTI pero naniwala na naman ako sa pangako ninyo na sure ihahatid ninyo ng lunes mismo sa senate .

    Nag-antay ako ng Lunes hindi na naman ninyo hinatid muli nangako na naman kayo na ihahatid ng Tuesday dahil alam ko na wala ng kahihinatnat ang usapang ito nagdesisyon ako na ipakuha sasakyan ko kay Errol Dacame at ibalik nalang ang pera ko.

    Wednesday morning nag text kayo hindi na ako nagreply sabi ninyo sa text ninyo bigyan pa kayo ng pagkakataon na ayusin maghapon sasakyan ko at kapag hindi nagawa ibabalik ninyo ang pera ko.

    Tanghali nag text ulit kayo na gawa na ulit drive test ninyo mga hapon wala na kayong text. Gabi nag punta si Errol sa talyer ninyo para kunin sasakyan ko wala dun ang sasakyan ko sabi ninyo nasa bahay ninyo. Nagkaroon kayo ng komprontasyon muli nangako kayo kay Errol na this Sunday April 1 gawa na sasakyan ko kung tulad ng dating pangako ninyo ibabalik ninyo pera ko… balik nalang ninyo pera ko. May kasunduan na tayo sa DTI hindi na ninyo magagawa sasakyan ko.

    Akala koba Dan sabi mo sa Banaue Quezon City ka kumukuha ng piyesa sa Dagupan lang pala.

    Tsaka nakalagay naman sa complaints ko na hindi ko binayaran ang P1,400 bayad ako ng bayad hindi naman nagagawa sabi ko after naihatid ko. p1,400 lang tan P29K na naibayad ko sa inyo walang namgyayari pinaaasa ninyo ako puro kayo pangako.

    Consumers protection nilabag ninyo. at Lemon law nilabag din ninyo.

    Bukas linggo na naman tiyak tulad ng dati hindi parin gawa yan.. Bukas ilabas na ninyo sasakyan ko kapag kinuha ni Errol wag na ninyo itago sa bahay ninyo.

    Hindi lang isa . Dalawa o tatlong beses kang nangako na gawa na yan nasayang lang pamasahe ko pabalikbalik ng Baguio.

    Kapag inimbestigahan ka lalo maraming malalaman.

    Sayo rin mismo nanggaling na pinagmumura ka ng Director ng DOTr dyan. Alam kona ang dahilan at hindi na ako magtataka kung bakit ka pinagmumura.

    Ako 9 times kana nangako na gawa na at ihahatid mo. Ano namgyari ginawa mo akong tanga masuwerte kapa mabait ako at kalmado lagi.

    Hindi sana ako magpost dito kaso nagsisinungaling kapa eh. Kung mekaniko ka alam mo ang piyesa na bibilhin mo. Nangako ka sa akin na magagawa at nakailang pangako na gawa na. Tama na bukas paki balik nalang ang pera ko kay Errol at sasakyan ko.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here