Home Rebelasyon Tama ang naging desisyon ni Bokal Ayee Ople, kaya lang…

Tama ang naging desisyon ni Bokal Ayee Ople, kaya lang…

52
0
SHARE

TAMA ang naging desisyon ni Bokal Ayee Ople na tumakbo na lamang siyang Vice Mayor ng Lungsod ng Malolos para sa gaganaping 2019 mid-term elections sa bansa, sa darating na buwan ng Mayo ng susunod na taon, dahil tiyak na malaki ang tsansa niyang manalo kaysa ambisyunin pa niya na maging alkalde ng lungsod katulad ng nauna niyang plano.

Matatandaan na unang kumalat ang balita na lalabang alkalde ng nasabing lungsod si Bokal Ayee, kayat binuo niya ang line-up ng kanyang sampung kandidato sa pagka- city councilor pero parang wala yata siyang nakuha na maging running mate sa pagka- vice mayor.

Desidido raw talaga na lumabang Mayor ng lungsod si Bokal Ayee, pero kinausap daw siya ng isang mataas at kilalang pulitiko ng Bulacan na mag- vice mayor na lang at kung hindi eh, wala siyang maaasahang suporta mula sa pulitikong ito.

No choice daw si Bokal Ayee, kaya Ilang araw bago sumapit ang deadline sa pagsusumite ng Certificate of Candidacy o COC ay biglang kumambiyo ang hangin ng kandidatura bilang mayor ng magandang musa ng Sangguniang Panlalawigan at kinumpirma niya na tatakbo na lamang siyang Vice Mayor ni Mayoralty bet Didis Domingo, sa ilalim ng NUP o National Unity Party, na siyang partido pulitikal ng mga nakararaming kandidato ng Bulacan.

Pero ang masakit na parte sa kanyang naging desisyon, wala siyang nabitbit ni isa sa kanyang mga aspiranteng konsehal na maaaring maging problema niya sa bandang huli, dahil tiyak na masama ang loob ng mga ito sa kanya, gayundin ang kanilang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa ginawang pag-iwan ni Bokal Ayee sa kanila sa ere at posible din namang wala na siyang makuha boto mula sa mga ito dahil sa sama ng loob.

Ayon sa kampo ni Bokal Ayee, nagkaroon naman daw ng pag-uusap sa pagitan ng kampo ni Bokal Ayee at Didis Domingo, na paghahatian nila ang kanilang mga konsehal na ang Ibig sabihin ay magiging tig-lima sila ng mga kandidatong konsehal, pero hindi yata ito nangyari dahil ayaw daw pumayag ni Domingo na bawasan pa ang mga naka line-up sa kanya na sampung konsehal.

Talaga yatang ganyan ang pulitikang Pinoy, personal na interes lamang ng bawat isang pulitiko ang palaging nilang pinaiiral sa kanilang sarili. Kaya nga angkop na angkop sa kanila ang kasabihan na “Walang pirmihang kaibigan at walang pirmihang kaaway basta pulitika na ang pinag-uusapan,” dahil sa pulitika ang kaibigan mo ay pwede mong maging kaaway at ’yung kaaway mo naman ay pwede mong maging kakampi.

Agree ba kayo d’yan? GOD Bless po sa ating lahat…

SHARE
Previous articleDuterte says UNCHR ex-chief’s statement about his mental health made him cry
Next articlePaano ba natin kikilatisin ang mga kandidato na ating iboboto?
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here