Taniman ng marijuana sa Ilocos Sur, sinalakay ng mga otoridad

0
64

ILOCOS SUR — Nagsanib pwersa ang mga elemento ng PNP Sugpon, ISPIB, ISPDEU, 2nd ISPMFC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang operasyon laban ang isang tagong marijuana plantation sa Sitio Palali, Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur nu’ng Miyerkules (Jan. 29).

Umaabot sa 8,600 na fully grown marijuana plants na tinatayang nagkakahalaga ng P1,720,000 ang pinagbubunot ng mga awtoridad mula sa 1,500 sq.m. na lupa na binabantayan ni Bennipher Licudan aka Kuwaing, 22-anyos, binata, residente ng Sitio Lanipew, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet.

Nakakuha rin ang mga awtoridad mula sa naturang lugar ng 40 kilos na pinatuyong tangkay at fruiting tops ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P5,000,000.

Si Licudan kasama ang mga nakumpiskang gamit ay nasa kustodya ngayon ng PDEA RO1.

Nadiskubre ang naturang Marijuana plantation nang ipatupad ng mga awtoridad ang isang search warrant laban kay Sanny Taypew ng Sitio Palali, ng nasabing barangay dahil sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165 at Comprehansive Law on Firearms and Ammunition o RA 10591.

Bagamat hindi nahuli ang suspek, ang mga awtoridad ay nakakuha sa bahay ni Taypew ng mga sumusunod na armas: isang rifle Cal. 30 Carbine; isang rifle na hindi matiyak kung anong uri ng caliber; isang cal. 22; isang cal. 38; anim na detonating cord; apat na piraso ng blasting caps; apat na piraso ng dinamita.

May nakuha ring isang bundle ng dried marijuana stalks mula sa bahay ng suspek na nagkakahalaga ng P1,250,000; one half kilo ng Marijuana seeds na nagkakahalaga ng P12,500; at, one half kilo ng dried Marijuana fruiting tops na nagkakahalaga ng P62,500.

Ang lahat ng nakuha mula sa bahay ng suspek ay nasa kustodya ngayon ng Sugpon Police Station for documentation and disposition. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here