Home Rebelasyon Tao rin ang may gawa kung bakit palaging may baha

Tao rin ang may gawa kung bakit palaging may baha

43
0
SHARE

HINDI na siguro natin mabibilang ang mga nagdaang kalamidad na kumitil ng maraming mga buhay, at sumira rin ng maraming mga ari-arian at kabuhayan. Pero sa pangyayaring ito na dulot ng ating kalikasan, mayroon bang dapat na sisihin sa mga kalamidad na ating naranasan na nagdulot ng maraming mga pagbaha sa ibat ibang mga lugar sa ating bansa na siyang pumipinsala sa ating pamumuhay.

Maliwanag ang mga nakasulat na talata sa Banal na Kasulatan, sa Aklat ng Pahayag 9: 4 na, “Ipinagbilin ko sa inyo na huwag ninyong sisirain ang mga damo, mga punongkahoy at anumang halaman,”

May mga dahilan ang Diyos kung bakit ginawa niya ang mga punong kahoy, mga halaman, mga hayup, mga insekto at ang lahat ng mga nabubuhay, maging tayong mga tao.

Pero sa kabila ng magagandang mga bagay na nilikha at ibinigay niya sa atin ay nagawa pa natin sirain ang ating kapaligiran.

Ang ating pamahalaan ay walang tigil sa kanilang kampanya laban sa mga illegal, logging, Illegal mining at illegal quarry, pero parang ningas-kugon lamang ito dahil may mga nahuhuling violators, pero wala naman tayong nabalitaang pinatawan ng parusa.

Wala ring tigil sa kahahanap ng mga solusyon sa baha ang ating pamahalaan, pero paikot-ikot at pabalik-balik lamang ang problema na parang sirang plaka.

Gumawa rin ang gobyerno ng mga kanal upang maging daanan ng mga tubig kapag bumaha pero dahil sa sobrang liit at kitid nagbara naman ito sa mga itinapon nating basura.

Kailangan ng mga mamamayan ang bahay kaya ang mga sakahan ay ginawang subdivision, pero nakalimutan naman yatang lagyan ng mga kanal, kayat maging ang mga residente dito ay hindi rin nakaligtas sa mga tubig- baha.

Alalahanin natin na ang kalupaan ay hindi pag-aari ng tao, ipinahiram lamang ito sa atin ng Kaitaasan at wala tayong karapatan na gawin ang mga bagay na nais nating mangyari dito.

Sana ay hindi pa huli upang maipakita natin sa Poong Lumikha ang ating pagmamahal sa kanyang mga ginawa.

Isang mapagpalang araw po sa ating lahat. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleLeptospirosis, hindi lang sa ihi ng daga
Next articleSi Juan dela Cruz, ang mga negosyante at ang gobyernong Pinoy
EFREN Alcantara Fischer known as “Efren Alcantara” in his pen name, was started practicing by possession as radio reporter of DZTM- AM Radio since 1969 during his college year at the Lyceum of the Philippines. He owned a program “Ang Tinig ng Bulacan” over DWRT AM Radio, “Bangon Bayan” over DWAN- TV13 with Cezar Gregorio and Lingap sa Maralita with Oscar Cruz over DZME- 1530. Until he joined as one of Radio Correspondent of RMN- DZXL Radio assigned in Bulacan where he retired after 25 years in service. He also served as TV Reporter of CLTV 36 in Region 3 and recognized four times as Best Provincial Correspondent of the year of the Bulacan Government. He was also a former newswriter of a three national daily tabloid newspaper namely Dyaryo Bongga, Text Balita and Pilipino Star Ngayon. Presently he managed and control small audio video productions.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here