Tatay paulit-ulit na hinalay ang sariling anak sa loob ng 2 taon

0
104

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan — Arestado nitong Lunes (Jan. 4) ang isang 46-anyos na tatay makaraang paulit-ulit nitong gahasain ang kanyang sariling anak sa loob ng dalawang taon sa Brgy. Graceville sa nasabing lungsod.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director ang suspek na si Charlie Rosales, residente ng nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-5 ng hapon k ng muli na namang pagsamantalahan ng hayok na ama ang kanyang anak na babae.

Hindi na natiis ng paslit ang kahayupang ginagawa sa kanya ng kanyang tatay kung kaya nagsumbong na ito sa kanyang kuya na agad namang naghain ng reklamo sa kanilang barangay.

Ayon sa biktima, walong taon pa lamang umano siya nang simulan siyang pagsamantalahan ng kanyang sariling ama sa tuwing mag isang siyang naiiwan sa kanilang bahay.

Pinagbantaan umano siya na papatayin ng kanyang tatay sa oras na magsumbong ito sa kanyang ina at kapatid.

Mabilis na umaksyon ang mga opisyal ng barangay kung kaya naaresto ang suspek habang nagpapahinga sa kanilang bahay.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 8353 (incestous rape) at nakakulong ngayon sa San Jose Del Monte City jail. (RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here