Tatlo ‘utas’ sa drug buy-bust sa San Jose del Monte

0
273
Ang mga hinihinalang drug pushers na napatay sa isang engkwentro na sina Jay-ar Borromeo, nasa hustong gulang at nasa PNP/PDEA Drug Watchlist, at dalawang kasama na kinilala sa alias na Liit at Jr. nu'ng Lunes, Feb. 3, 2020. (Lawaran mula sa CSJDM police)

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan — Tatlong hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga operatiba ng San Jose del Monte police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na manlaban ang mga ito sa isinagawang drug buy-bust nu’ng Lunes ng madaling araw sa Brgy. San Manuel ng siyudad na ito.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt.Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte police, kay P/Col. Emma Libunao, Acting Bulacan Police Director, kinilala ang isa sa napatay na suspek na si Jay-ar Borromeo, nasa hustong gulang at nasa PNP/PDEA Drug Watchlist, habang ang dalawa pa nitong kasama ay nakilala lamang sa alias na Liit at Jr.

Sa inisyal na report, dakong alas 12:30 ng madaling araw nang magsagawa ng drug buy-bust ang mga otoridad sa nasabing Barangay na sinasabing pugad ng bentahan ng droga.

Sa loob ng isang tricycle nagaganap ang bentahan ng shabu at nang matunugan ng mga suspek na aaset ng mga pulis ang kanilang ka transaksyon ay agad nilang pinaputukan ang mga pulis at mabulis na gumanti ng putok ang mga otoridad na siyang ikinautas ng mga suspek.

Sinabi ni Castil sa RONDA BALITA Online na ang shabu na ibinabagsak ng mga napatay sa kanilang lugar ay nanggagaling umano sa Muslim area sa Phase 12 ng Bagong Silang Caloocan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 2 piraso ng sumpak, isang Cal .38 revolver, isang Kawasaki Barako na may sidecar at 30 transparent heat plastic sachet ng shabu. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here