Home Showbiz This girl really did something good to may soul — John Lloyd...

This girl really did something good to may soul — John Lloyd Cruz

268
0
SHARE

EVERY weekend may bagong isyu sa rumored couple na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Siguro nga parehong love nila ang water kaya naman nu’ng Sunday (September 24) ay hindi nag-out-of-town ang dalawa kundi sa Manila Bay sila nagpunta para pagmasdan ang paglubog ng araw kasama ang kanilang mga kaibigan.

Kesehodang maraming nakakakita sa kanila sa lugar na ‘yun na pasyalan ng mga iba’t iba uri ng tao. Para silang hindi celebrities na naglalakad sa Bay Walk at naupo tulad ng mga ordinaryong tao.

Kita sa mukha nina John Lloyd at Ellen ang kasiyahan kahit sa simpleng pamamaraan. Sabi nga nila sa kanilang Instagram account happiness can be found even in the simplest moments.

Message ng actor na ipinost niya para sa kanyang “baby” ay “Sobrang baduy neto pero this girl really did something good to my soul. I’ll always be grateful.” First time itong ginawa ni Lloydie para sa sexy actress.

Samantala, ang aktres-politician na si Lucy Torres-Gomez ay hangad naman ang kaligayahan ni Ellen. Magkatsika ang dalawa at nag-share si Ellen ng napagkwentuhan nila ni Lucy. Tawag ng sexy-actress sa misis ni Richard Gomez ay “Mother Mary version.”

Dahil parehong Bisaya kaya ‘yun ang language na gamit nila sa kanilang usapan. May translation naman sa tagalog at eto ang kanilang napag-usapan.

“Gamitin mo na ang kandila. Romansa is alive and live!” ani Lucy. Sagot ni Ellen: “Malapit na!”

“Huwag kang malulungkot kung maubos! Pag naubos na, papadalhan kita ng supply para patuloy ang romansa! Happy for you! Enjoy the journey!” ganting reply ni Lucy.

Hindi man nila na-me-mention ang pangalan ni Lloydie everybody knows na ang actor ang kanilang topic.

Wala mang pag-amin, sa mga photos nilang naglalabasan ay masasabing may relasyon na sina Ellen at Lloydie. E, ‘di nga ba’t action speaks louder than words.

 

‘Yun na!!!

SHARE
Previous articleLuis Manzano kasama sa wedding entourage ni Anne Curtis
Next articleNewspaper Edition: RONDA Balita vol. 03 blg. 27
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here