Home Kakampi Ng Masa Tips sa pagpili ng kandidato ngayong Midterm Election 2019

Tips sa pagpili ng kandidato ngayong Midterm Election 2019

68
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

MGA ’igan, halos apat na buwan pa bago ang nakatakdang halalan para sa midterm kung saan mag hahalal tayo ng senador, congressman, gobernador, bise gobernador, boardmembers, mayor, vice Mayor at mga councilors sa buong bansa.

Kaya kailangang may idea ang botante kung paano tayo pipili ng tamang kandidato na totoong may malasakit sa bayan para sa kanyang mga mamamayan.

Una, dapat ang isang kandidato ay totoo ang hangarin sa paglilingkod na walang hinihinging kapalit.

Dapat, may magandang track record sa paglilingkod, kung ito ay dati nang nanungkukan, ibig sabihin hindi sya magnanakaw o kawatan at walang bahid ng katiwalian sa bayan.

’Yung hindi sangkot sa iligal na droga. Hindi nang-aangkin ng proyekto ng iba. Hindi bumibili ng award, hindi pabaya sa kanyang trabaho at hindi lulong sa casino o sa anumang uri ng sugal at hindi namimili ng boto para sa personal na interest.

May magandang vision and mission para sa kanyang mga kababayan at higit sa lahat may takot sa Dios Ama.

Sa mga dati nang nanunungkulan na nais magbalik sa puwesto o posisyon, mahalagang tingnan din ang kanilang record kung mga mga proyekto ay hindi natapos para sa bayan na malaki ang pakinabang marahil dapat muling ibalik sa poder.

At sa mga bagong mukha sa politika na may magandang adhikain sa kanyang bayan hindi masamang subukan ang kanilang kakayahan.

Ilan lamang yan mga igan, sa mga halimbawa na dapat tingnan nang bawat isang botante upang hindi sila maligaw ng paniniwala sa nagpapanggap na may malasakit daw sa bayan.

Marahil sa pamamagitan ng ating mga binangit na paraan at tips malaki ang maitutulong nito para mabuksan ang kanilang isipan at makapili ng tamang lingkod-bayan para sa 2019.

Parsa sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang thony.arcenal@gmail.com (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article550 Shelters for Marawi IDPs
Next articleThe Beatles Forever
THONY DELA PEÑA ARCENAL was born in Majayjay, Laguna but lives in Malolos City, Bulacan. Studied at Polythecnic University of the Philippines. A stringer of TV5, radio reporter of DZME 1530 and contributor of Filipino Mirror and Parazzi national newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here