Home Showbiz Toni Gonzaga Pinayuhan Si Alex Na Mag-Quit Na Sa Showbiz

Toni Gonzaga Pinayuhan Si Alex Na Mag-Quit Na Sa Showbiz

796
0
SHARE

Dahil sa pagiging taklesa ng kapatid

TONI GONZAGA PINAYUHAN SI ALEX NA MAG-QUIT NA SA SHOWBIZ

DAHIL sa kontrobersiyang salita na nasabi ni Alex Gonzaga kay Luis Manzano ay inamin nitong ibig na raw ng kanyang ate Toni na mag-quit na siya sa showbiz.

“Ang ate ko may point siya na mag-quit na daw ako sa showbiz. Ganun level. Kasi bakit daw ganun yung mga ano ko (sinasabi ko). Pero sa akin naman, I’ll just charge it to experience na minsan be careful. Pero nangyari na talaga,” sambit ni Alex.

Naging kontrobersyal man ang biruan nina Alex at Luis, pinasalamatan pa din ni Alex ang PMPC sa agaran na pagtanggap nito ng kanyang apology sa pangyayari.

“Thankful ako kasi naintindihan ako ng press and hindi na siya ganung lumaki pa. Kasi alam ng iba na biruan talaga namin yun and I’m so happy also kasi Kuya Luis was there to help me kasi siya din ang nag-explain sa mga press na it was really a joke and I really meant no harm,” ani pa ni Alex.

“Nag-move on na ako kasi I really meant no harm. Kami ni Kuya Luis Manzano ‘pag nagkikita talaga kami parang yung pinakamasasamang maiisip mo, yun ang parang affections namin sa isa’t isa. Siguro nung nakita ko siya nawala lang ako sa lugar at nakalimutan ko it was an award show,” paliwanag ni Alex na isa sa Sing-Vestigator ng I Can See Your Voice, ang bagong show ng ABS-CBN.

Sa pangyayaring ‘yun extra careful na nga ba si Alex sa paghu-host? Well, siguro talagang may pagkataklesa lang ang bunsong ito ni Mommy Pinty. Sa pilot episode kasi ng I Can See Your Voice ay sabihan ba naman si Angeline Quinto na “ikaw pag kumakanta ka, pumapangit ka.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here