Top 1 most wanted person ‘nalambat’ ng Bulacan CIDG

0
600
Ang No. 1 most wanted person (Lambat Sibat) at No. 7 most wanted person ng Plaridel Avhel Dela Cruz habang inaaresto sa isang supermarket sa Guiguinto, Bulacan kamakailan. (Kuha ni Jose Erwin Bunag)

GUIGUINTO, Bulacan — Dinampot ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group o CIDG ang No. 1 most wanted person (Lambat Sibat) at No. 7 most wanted person ng Plaridel nu’ng Miyerkules (Feb. 19) sa isang supermarket sa Brgy. Santa Cruz dito sa nasabing bayan

Kinilala ang naaresto na si Avhel Dela Cruz, 26 taong gulang, residente ng Brgy. Banga 2nd, Plaridel, Bulacan at nahaharap sa mga kasong carnapping, akyat-bahay at robbery holdap.

Ayon kay P/SMS Jayson Dela Cruz, imbestigador ng CIDG, may tatlong warrant of arrest silang hawak laban sa suspek.

Matagal na daw nila itong hinahanap hanggang sa makatanggap sila ng impormasyon na ang suspek ay namataan sa isang supermarket sa Guiguinto.

Bitbit ang Warrant of Arrest ay agad tinungo ng mga operatiba ng Bulacan CIDG ang lugar at dagliang dinakip ang suspect na hindi na nakapalag pa at agad na pinosasan habang binabasahan ng Miranda Doctrine.

Nakuha mula may Dela Cruz ang isang kalibre .38 baril na hindi lisensyado na posibleng ginagamit nito sa mga krimeng kinasasangkutan.

Ang dalawang kasamahan ng suspek na mga wanted din ay nauna ng napatay ng maka-engkwentro ang Plaridel Police kamakailan matapos na manlaban.

Ayon sa suspek dati na siyang nakulong sa kasong droga at nakalaya na siya. Aminado din ito na gumagamit ng iligal na droga.

Hindi umano niya alam na may kaso siya noong 2016 ngunit sa Hagonoy, Bulacan aniya siya nagtago.

Nakadetini ang suspect sa CDIG detention facility sa Malolos City. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here