Home National News Top 1 most wanted sa Ilocos Sur nanlaban, dedo

Top 1 most wanted sa Ilocos Sur nanlaban, dedo

9
0
SHARE

ANTA, Ilocos Sur  — Patay ang tinaguriang Top 1 most  wanted person sa bayang ito matapos na magtangkang lumaban sa mga pulis na aaresto sa kanya Miyerkules ng gabi (Nov. 7).

Kinilala ng Santa-PNP  ang biktima  na si Robert Puruganan Bueza, taga-Brgy. Manueva ng naturang bayan.

Nabatid na bandang alas-8:30 ng gabi ng kumilos ang mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Ilocos Sur, PIB Ilocos Sur, at 1st ISPMFC para i-serve ang warrant of arrest laban sa suspek dahil sa kasong Rrobbery with Homicide.

Base sa report ng malapit na sa bahay ng suspek ang mga pulis, namataan na patakbong lumabas sa kanilang bahay si Bueza at lumipat sa kabilang bahay para doon magtago.
Nang makitang tukoy na ng mga pulis ang kanyang kinaroroonan, dito na umano itinutok ni Bueza ang kanyang baril sa mga pulis ngunit bago pa  makapagpaputok ang suspek  ay inunahan na siya  ng grupo hanggang sa tamaan ito at bumulagta.

Matapos ang putukan, agad na dinala ng mga pulis  sa hospital ang suspek ngunit idineklara itong dead on arrival. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articlePLDT-Smart, Globe welcome entry of Mislatel Consortium, 3rd telco player
Next articleMagkapatid sinaksak ng kainuman ng ama; 1 patay, 1 sugatan
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here