Home Simple Lang Trabaho, ipatutupad na raw sa unang buwan ng taong 2019

Trabaho, ipatutupad na raw sa unang buwan ng taong 2019

14
0
SHARE

MARAMI pa rin siguro sa ating mga kababayang Pinoy ang hindi pa nakakaalam ng ibig sabihin ng TRABAHO. Ito po ang part two ng Train Law o Tax Reform for Accelaration and Inclusion na unang ipinatupad noong nakaraang Enero ng kasalukuyang taon, na mga pagbatikos dahil nasagasaan nito ang presyo ng mga pangunahing bilihin ng mga mamamayan.

Sa darating na buwan ng Enero 2019 na raw ipatututpad ang ikalawang yugto ng Train Law 2, at para daw hindi ito matulad sa unang bersiyon ay binago ang pangalan nito at ginawang TRABAHO na ang ibig namang sabihin ay Tax Reform for Attracting Better and High Quality Opportunities.

Nasa ikatlo at panghuling pagbasa na raw sa Kongreso ang TRABAHO o TRAIN 2, na siguradong ipatutupad sa susunod na taon at naasahan na siya namang magiging daan para maisakatuparan ang programang “Build, Build, Build” ng gobyernong Pionoy.

Nang ipatupad noong una ang TRAIN 1, ay dito na raw nagsimulang magtaasan ang prersyo ng mga mga bilihin na kagaya ng sardinas, mantika, asukal, kape, gatas, bigas at iba pa, kung saan umabot na ng P70 bawat kilo ang presyo ng mga commercial rice sa ilang mga probinsiya; At ang masaskalap ay wala pa raw mabiling NFA rice sa maraming mga lugar ng bansa. Nagkulang daw ang supply. Naubos daw ang bigas sa mga bodega ng National Food Authority, kung kaya umangkat ang ahensiyanng ito ng bigas sa bansang Thailand pero nang ipamahagi na ay natuklasang pinagpiyestahan daw ito mga bukbok.

Ang sabi ng ilang mga negosyante, tumaas daw ang excise tax ng mga petroleum products mula nang ipatupad ang TRAIN 1, na nagresulta sa hindi na mabilang ang pagtaas ng presyo ng gasolina, krudo, gaas, LPG at ng iba pang mga kauring produkto nito, at asahan pa raw ang muling pagtaas ng presyo ng mga ito sa mga darating na buwan..

Ang mataas daw na presyo ng gasoline at diesel ang dahilan kaya nagmahal ang mga bilihin. Ang kinikita ng mga karaniwang mamamayan ay hindi na makasapat sa taas ng mga bilihin. Tumaas din daw ang inflation rate noong nakaraang buwang ng Agosto na umabot na sa 6.4 percent, at ibinunton daw ni Pangulong Duterte ang sisi kay US President Donald Trump sa biglang pagtaas ng inflation.

Nangangamba angi lang mga analyst na kung ipatutupad pa daw ang TRABAHO sa taong 2019, paano na raw ang magiging kalagayan ng mga maliliit na mamamayan? Mas makabubuti daw kung suspendihin na muna ang excise tax sa mga produktong langis para mapigilan ang pagtaas ng mga bilihin, dahil ang presyo daw ng mga gasolina at krudo ang nagdidikta sa lahat, na kapag ito raw ay gumalaw, ang lahat ay gagalaw.

Ano sa palagay ninyo, kaya bang alisin ni Pangulong Digong ang tax sa mga produktong petrolyo. Abangan na lamang natin ang susunod na kabanata.

GOD Bless po sa ating lahat… (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleKulungan hindi lang sa may kasalanan pati rin sa kinakapos ng kapalaran
Next articleHanggang kailan matutuldukan upang maging drug-free ang bansa
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here