Home National News Trabaho para sa mga biktima ni ‘Usman’

Trabaho para sa mga biktima ni ‘Usman’

15
0
SHARE

MANILA — Tinatayang nasa 3,000 manggagawang naapektuhan ng bagyong Usman sa rehiyon ng Bicol ang mabibiyayaan sa emergency employment assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, naglaan ang ahensiya ng inisyal na P10 milyon na ibibigay sa mga nawalan ng trabaho at kanilang pamilya bilang panandaliang suportang kita.

Ang tulong sa pagtatrabaho sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Layunin ng ahensiya na magbigay ng agarang tulong sa mga apektadong manggagawa sa pamamagitan ng 10-araw na gawain sa komunidad na may minimum na suweldo na P305 kada araw.

Sinabi pa ng kalihim na gumagawa na ng ulat ang DOLE ukol sa mga manggagawa mula sa prayoridad tulad ng Sagñay, Camarines Sur at Tiwi, Albay upang higit pang maabot ang mas maraming naapektuhan ng kalamidad.

Source: tnt.abante.com.ph

SHARE
Previous article13 bansa bawal nang magpasok ng baboy sa ’Pinas
Next articleDagdag-sahod sa mga guro, ikinakasa na ng Malacañang
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here