Home National News Training School para sa wikang Nihongo, bubuksan

Training School para sa wikang Nihongo, bubuksan

132
0
SHARE

MANILA — Magbubukas ang Japan ng isang training school para sa mga Pinoy na nais matutong ng lenggwaheng Nihongo at makapagtrabaho sa naturang bansa.

Katuwang ng China Mode Business at ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para magbahagi ng pagsasanay ng salitang Nihongo at makapaghanap-buhay sa bansang Japan.

Nabatid kay dating Department of Labor and Employment o DOLE Asec Nicon Farmeronag na 20 oras ang pagsasanay kada linggo at 28 oras naman para sa part-time job para masanay ang mga Pilipino at kung maninirahan sa Japan.

Hinimok ni Richwell Training Center Services Inc President Anne Quiza at Chiba Nihonggo School President and CEO Yasuo Goto na magtungo lamang sa 760 P. Ocampo Street Malate Manila kung gusto nilang mag aral ng Nihonggo at magtrabaho sa bansang Japan.

Anila, malaking opurtunidad ito sa mga filipino na gumanda ang kanilang mga buhay sakaling makapagtrabaho sa Japan dahil nangangailangan na rin sila ng Call Center Agents,Nurses,at marami pang mga trabaho. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here