Transaksyon ng iligal na droga sa loob ng Bulacan Provincial Jail, ibinulgar!

0
294

DAHIL sumingaw na ang na gaganap na transaksyon ng iligal na droga sa loob ng panlalawigang piitan o  as kilala sa tawag na Bulacan Provincial Jail o LEX sa katatapos lang na Provincial Peace and Order Council Meeting, hayaan n’yo pong ibahagi ng inyong lingkod ang ku wento ng dating in mate sa  naturang piitan hinggil sa nagaganap na transaksyon ng shabu sa loob.

Base sa kwento ng dating inmate na itago natin sa pangalang “Joed,” simula ng maupo bilang warden si retired police Supt. Fernando Villanueva at palitan ang dating warden na si Warden Plamenco, naging talamak na umano ang naging transaksyon ng iligal na droga sa loob ng naturang jail.

May inmate sa loob ng BPJ na isa umanong drug lord ang “contact” o ang katransaksyon sa bentahan ng shabu.

Hindi lang masiguro ni Joed sa inyong lingcod ni Joed kung itong nasabing drug lord umano ang nagpagawa ng bagong opisina ni Warden Villanueva at nagbigay ng bagong aircon at flat TV.

Gamit umano ang cellphone, isasagawa ang transaksiyon ng bentahan ng shabu sa pagitan ng nakulong na drug lord at ng buyer na nasa labas.

Kapag ayos na sa magkabilang panig ang magiging “deal” o transaksyon, ipadadala ng buyer ang pera sa loob ng BPJ sa pamamagitan ng Smart Padala.

Dagdag pa ni Joed, na nagkaroon ng money remittance sa loob ng piitan nang maupo lang si Warden Villanueva.

Kapag natanggap na ng nasabing drug lord ang pera sa Smart Padala sa loob ng piitan, may ititext ito o tatawagang tauhan para ito naman ang mag-aabot ng shabu sa buyer. Ang tauhan ng drug lord na lulan ng motorsiklo ay iaabot ang iligal na droga sa buyer kung saan ang mapagkakasunduang lugar. Wala na rin umanong usapan na magaganap, basta iaabot lang ng tauhan ng drug lord ang “item” sa buyer. Dagdag pa ni Joed na malakihan umano ang mga nagaganap na transaksyon sa nabanggit na piitan. Aabot sa daang libo.

At kapag may isasagawang inspeksyon sa loob ng nabanggit na piitan, alam na agad ito sa loob kaya nakapaglilinis na ng “kalat” ang mga inmates bago pa mangyari ang inspeksyon, dagdag pa ni Joed. Ganun pala.

Kaya ang nangyayari ay kaming mga mamamahayag ang nasosorpresa kapag natatanggap na ang report na walang nasamsam sa nabanggit na inspeksyon kahit isang mapurol na blade. Ok lang kung totoong walang nakukumpiska. Pero imposible po yun! Di po ba?

At ito marahil ang dahilan kung bakit walang mamamahayag na isinasama during inspection. Maraming pang mga balita ang aalingasaw sa mga darating na araw tungkol sa mga nagaganap sa loob ng BPJ, kaya tutok lang po sa Pitik-Bulag. Babu!

Previous articleMga kataga ng tagumpay ni Mayor Arthur Robes
Next articleMisis na hiwalay kay mister, may nagugustuhan ng iba
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here