Home Striker Transport group sa Bulacan, may sariling batas sa singil sa pasahe!

Transport group sa Bulacan, may sariling batas sa singil sa pasahe!

33
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

BAKIT nga ba hindi masuheto ng LTFRB Region 3 ang mga grupo ng transportasyon na sobrang taas ang singil sa pasahe na tanging may karapatang mag-akda nito ay ang tanggapan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB). Kaya walang karapatan ang anumang samahan na magtakda ng taas ng pasahe sa mga pasahero.

Subali’t sa mga liham na ating ipinarating sa pamamagitan ng e-mail ng LTFRB sa region 3, ay hiniling ng inyong lingkod na magkaroon ng agarang aksyon ang kanilang tanggapan ng masuheto ang mga driver at ilang samahang labis ang singil na pasahe.

Subali’t naka-ilang email na ako at tawag na hanggang sa ngayon ay wala pang resulta ang aking reklamo sa naturang ahensya bilang tugon sa karaingan lamang ng mga pasahero sa Pandi-Balagtas, Angat-Sta Maria at SM Baliwag-Plaridel na over-charge ang mga pamasahe.

Kung sa loob ng anim na buwan na ating pagbibigay ng reklamo sa LTFRB Region 3 sa ganitong mga problema at hindi naaksiyunan ay dapat nang tanggalin ni Chairman Martin Delgra ang mga tauhan dito. Hindi naman tayo bulag at bingi sa mga naririnig natin na may mga taga-kolekta kada buwan umano ang LTFRB region sa lahat ng terminal ng PUJ sa buong rehiyon.

Marahil kung sadyang may katotohanan man ito ay hindi maglalakas-loob ang isang samahan na basta nalang magtataas ng pamasahe na kahit hindi ang LTFRB ang nagtakda nito.

Nananawagan tayo kay Chairman Martin Delgra, pakising naman ang mga taga-LTFRB Region 3 na mabigyan aksiyon ang hinaing ng mga pasahero sa Pandi-Balagtas, Angat-Sta Maria, SM Baliwag-Plaridel at iba pang pampaseherong jeep sa buong Gitnang Luzon na hindi sumusunod sa tamang singil na pamasahe.

Dapat din na mabigyan ng pansin na maipatupad ang mahigpit na pagbabawal sa mga naninigarilyong driver ng mga pampasaherong behikulo dahil ang mga usok nila ay nalalanghap ng mga pasahero. Kaya ang unang magkakasakit ay ang kanilang mga pasahero. At hindi naman lingid sa ating kaalaman na maraming sakit na maaring idulot sa mga pasahero ang usok ng sigarilyo. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here