Home National News Tricycle driver pinagbabaril sa Abra, patay!

Tricycle driver pinagbabaril sa Abra, patay!

31
0
SHARE

BENGUED, Abra — Patay ang isang tricycle driver matapos na pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin nu’ng Martes sa Brgy. Palao sa nasabing bayan.

Kinilala ng Bangued-PNP ang biktima na si Warren Bargas, 36-anyos, ng Brgy. Pangtod, Pidigan, Abra.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala ng cal. 45 na baril sa kanyang ulo at sa kanyang likod na tumagos sa kanyang dibdib.

Base sa ulat, ang biktima ay maghahatid sana ng kanyang mga pasaherong estudyante nang mga oras na iyon nang sundan at pagbabarilin ng mga salarin.

Ang biktima ay agad na dinala sa hospital matapos ang insidente pero idineklarang dead-on-arrival.

Hindi pa tukoy ng Abra-PNP kung ano ang motibo sa naturang pamamaslang at kung sino ang mga responsable sa nasabing krimen. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBiktima ng pamamalo sa ulo sa Ilocos Sur, patay na; 2 suspek, tukoy na ng PNP
Next articleGordon hits China on West Philippine Sea
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here