Tricycle sinuwag ang poste ng Meralco sa Sariaya, 1 patay, 4 kritikal

0
311

SARIAYA, Quezon — Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang pasahero habang kritikal ang apat na kasama nito matapos bumangga sa poste ng Meralco ang sinasakyan nitong tricycle sa bayan ng Sariaya nu’ng Biyernes.

Kinilala ang namatay na si Emeliano Rosales habang patuloy na ginagamot sa Quezon Medical Center sina Melchor Marco Encarnacion, John Carlo M. Rosales, Baby James Rosales, at ang driver na si Noriel Rosales, pawang mga residente ng Barangay San Isidro sa naturang bayan.

Base sa nakalap na report ng RONDA Balita Online News, dakong alas-8:10 ng gabi nang makatanggap ng ulat ang Sariaya Municipal Police station tungkol sa nangyaring insidente.

Agad namang rumesponde ang mga pulis sa pinangyarihan ng aksidente at napag-alaman na bandang alas-7:10 ng gabi habang minamaneho ng suspek na si Noriel ang Honda TMX 155 na tricycle sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Gibanga sakop ng nasabing bayan ng mawalan ito ng kontrol sa manibela at salpukin ang isang poste ng kuryente. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here