Trillanes nag-file ng libel case laban kay RJ Nieto aka Thinking Pinoy

0
530

NAG-FILE na ng libel case si Senador Antonio Trillanes IV laban sa pro-Duterte blogger na si Rey Joseph “RJ” Nieto o mas kilala bilang si Thinking Pinoy.

Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso kaugnay sa naging blog ni Nieto sa kanyang Thinking Pinoy na tinawag umano ni US President Donald Trump si Trillanes bilang “little narco”.

Ayon kay Trillanes, ang naturang post ay malinaw aniyang paninira sa kanyang pangalan at reputasyon.

Umaasa ang senador na magsisilbing leksyon kay Nieto ang inihain niyang kaso.

Matatandaang una nang sinampahan ng senador si Communications Assistant Secretary Mocha Uson ng kasong libel at graft.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here