Home National News ‘Tulak’ at 9 na adik timbog sa buy-bust sa QC

‘Tulak’ at 9 na adik timbog sa buy-bust sa QC

17
0
SHARE

QUEZON CITY — Timbog ang 10 katao sa isinagawang anti-drug operation ng mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Lagro Police Station (PS-5) ng Quezon City Police District (QCPD) sa Mindanao Avenue Extension, Brgy. Greater Lagro sa nasabing lungsod gabi ng Miyerkules (Oct. 17).

Kinilala ni Police Chief Inspector Don Don Llapitan ang mga suspek na sina Raymond Edios, Rose Edios, Nicole Ordinario, Evelyn Son, Ernesto Virtudazo, Ben Barri, Heart Samillano, Ronaldo Arnado, Pablo Monserrat at Armando Rullan.

Base sa report ng pulisya target ng inilatag na drug buy bust operation ang suspek si Edios makaraang makabili umano ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na halagang P200 ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Matapos maiabot ang droga ay agad dinampot ang suspek at ang siyam na iba pa na naaktuhang gumagamit ng shabu sa bahay ng naturang drug pusher.

Narekober mula sa suspek na tulak ang 11 small plastic sachet ng mga hinihinalang shabu at ang ginamit na buy bust money habang nakumpiska sa siyam na iba pang mga suspek ang mga ginamit na drug paraphernalias.

Pansamantalang nakakulong ngayon ang mga suspek sa Lagro Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Violation of Sec.5,11 at 13 ng RA 9165 o (Comprehensive Dangerous Drugs Act.). (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here