Home National News ‘Tulak’ na dating pulis Maynila, pinsan timbog sa droga sa Pateros

‘Tulak’ na dating pulis Maynila, pinsan timbog sa droga sa Pateros

16
0
SHARE
Ang mga suspek na sina dating PO1 Alexander Pili Ilagan at Michael Pili (bandang kanan) habang iniimbestigahan ng mga operatiba ng Pateros Police Station. Kuha ni Jose Koi Laura

TAGUIG CITY — Arestado ang isang dating pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) at ang pinsan nito sa isinagawang drug buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pateros Police Station nitong Sabado ng hapon (Nov. 3) sa No. 25, Lt. Tiamsic St., Brgy. Tabacalera, Pateros sa nasabing lungsod.

Sa report ni P/Senior Supt. Julius Coyme, ang hepe ng nabanggit na istasyon, kinilala ang mga suspek na sina dating PO1 Alexander Pili Ilagan, residente ng Lot 2, Blk.18, Bogainvilla St., Makati City na tinanggal sa serbisyo noong May 26, 2016 dahil sa 2 counts ng serious neglect of duty o Absent with out leave (AWOL), at Michael Pili na isang drug personality ng Pateros PNP.

Base naman sa ulat na ipinadala ni Southern Police District (SPD) Acting District Director Police Senior Supt. Eliseo Dela Cruz Cruz kay NCRPO Police Director Guillermo Eleazar, nasakote ang dalawang suspek ng pagbilhan ng mga ito ang isang under cover agent na nagpanggap na poseur buyer ng 3 pirasong plastic sachet na may laman ng mga pinaghihinalaang shabu sa halagang P500.

Pansamantalang nakadetine ang mga suspek sa Pateros Municipal Police Station habang inihahanda sa korte ang isasampang kaso na paglabag sa Violation of Sec.5 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act.of 2002. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here