Home National News ‘Tulak’ patay, pulis sugatan sa drug bust sa Parañaque

‘Tulak’ patay, pulis sugatan sa drug bust sa Parañaque

241
0
SHARE

PARAÑAQUE City — Patay ang isang tulak ng ilegal na droga habang sugatan naman ang isang pulis matapos makipagpalitan ng putok at manlaban ang suspek sa mga elemento ng Station Drug Enforcement Team (SDET) at ng Police Community Precinct (PS-2) sa isinagawang drug buy-bust sa Brgy. Tambo sa nasabing lungsod.

Kinilala ni P/Sr. Supt. Leon Victor Zamora Rosete, chief of police ng Parañaque ang suspek sa alyas na “Tatay Ponso,” nasa pagitan ng 55-60 anyos.

Base sa ulat ng pulisya bandang-2:20 ng madaling araw ng isagawa ang nabanggit na operasyon sa Riverside 1, Bgy. Tambo sa nasabing lungsod.

Nakabili umano ng 2 piraso ng small plastic sachet ng hinihinalang shabu sa halagang P1,000 si PO1 Jevie Ferrer subalit nakaramdam umano ang suspek na pulis ang kanyang mga ka-transaksyon kaya agad umanong bumunot ito ng dalang baril na kalibre 38 at ipinutok sa mga operatiba.

Mabilis namang nakapagkubli ang pulis na si Ferrer, subalit tinamaan naman ang kasama nitong si PO1 Dominic Engunio sa kanan hita.

Agad namang nakaganti ng putok si PO1 Acaylar para ipagtanggol ang kanilang sarili at napatay ang suspek.

Narekober sa lugar malapit sa suspek ang kalibre .38 na baril na may laman bala at isang basyong bala, isang sling bag na may laman apat na piraso ng small heat sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang transparent plastic sachet na naglalaman ng mga small plastic sachet ng hinihinalang shabu at P1,480 cash. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here