Home News Report Tulong edukasyon handog ni Atty. Sherwin Tugna at CIBAC Party-List para sa...

Tulong edukasyon handog ni Atty. Sherwin Tugna at CIBAC Party-List para sa Kabataang Bulakenyo

676
0
SHARE

BINISITA ni CIBAC Party-List Representative Sherwin Tugna ang mga kabataan mula sa limang distrito ng lalawigan ng Bulacan upang ilapit ang tulong pang-edukasyon para sa mga kabataang Bulakenyokamakailan.

Ang mga CIBAC scholars at ang kanilang mga magulang mula sa limang distrito ng lalawigan ng Bulacan.

Pangarap ni Atty. Sherwin Tugna na sa pagbibigay ng scholarship grants sa mga nagsusumikap na estudyante ay masisiguro ang kanilang magandang kinabukasan na magkakaroon ng magandang epekto sa lalawigan ng Bulacan at sa ating bansa.

Si Party-List Representative Atty. Sherwin Tugna habang nagbibigay ng mensahe sa kabataang Bulakenyo na tumanggap ng iskolarship mula sa nabanggit na party-list.

Hindi masuklian ang ngiti sa mga labi ng mga CIBAC scholars at ng kanilang mga magulang habang pinagkakalooban ng katibayan na sila ay kwalipikado sa scholarship assistance program ng CHED at CIBAC Party-List. Ang Tulong Dunong Program ay nakalaan para sa mga estudaynteng nangangailangan ng kaagapay upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral.

Sa pagsusumikap ni Atty. Sherwin Tugna katuwang sina Bokal Allan Andan ng Unang Distrito, at Bokal Alex Castro ng ika-apat na Distrito, nagawaran ang unang 200 scholars ng Bulacan mula sa 700 na pangkalahatang scholars ng CIBAC Party-List.

Si Anthony Delos Reyes ng Pamarawan, Malolos, isa sa mga scholars ng CIBAC habang nagbibigay ng mensahe sa mga iskolar habang nasa likod si Atty. Sherwin Tugna.

Sa kanyang mensahe para sa mga kabataan, pinaalala ni Atty. Sherwin ang kahalagahan ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Ibinahagi niya ang mga paghihirap na kanyang pinagdaanan bilang anak ng isang latero na nangailangan ng scholarship upang maitawid ang kanyang pag-aaral hanggang siya ay makapagtapos ng abogasya. Ayon kay Atty. Tugna, “Kapag nakapagtapos ng edukasyon, kahit saan man ang gusto mong marating, malaki ang tsyansa na magiging matagumpay sa buhay”.

buy Antabuse online Bokal Allan Andan na dumalo sa nabanggit na okasyon kahapon katuwang ni Atty. Tugna sa pagbibigay ng katibayan sa mga kabataang Bulakenyo.

Pagkatapos ng orientation at distribution of IDs sa mga benepisyaryo, ibinahagi ni Anthony Delos Reyes ng Pamarawan, Malolos, isa sa mga scholars ng CIBAC. Bilang kinatawan ng lahat ng mga CIBAC scholars, taos puso ang kanyang pasasalamat siya dahil sila ay mapalad na napili na mapabilang sa CIBAC educational program. Nangako siya na pagbubutihin ang pag-aaral at pagsusumikapan na makatapos sa pag-aaral.

Ang pamimigay ng educational assistance na nilunsad sa pinakaunang CIBAC Scholars’ Day ay pagpapatunay sa pangako at hangarin ni Atty. Sherwin Tugna at ng CIBAC Party-List na matulungan ang mga nangangailangan na makabangon mula sa kahirapan at maabot ang kanilang mga pangarap.

Si Atty. Sherwin Tugna hanag ibinibigay ang katibayan na sila ay kwalipikado sa scholarship assistance program ng CHED at CIBAC Party-List.

Ayon naman kay Bokal Allan Andan mula sa Unang Distrito ng Bulacan, “malaking bagay ang tulong sa edukasyon ng CIBAC Party-List dahil hindi na mahihirapan ang mga magulang na pag-aralin at makatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.”

“Hindi na dahilan ang kahirapan para makapag-aral dahil maraming sangay ng gobyerno at mga non-government organization ang nagbibigay ng tulong sa pag-aaral sa mga kabataang nais makatapos ng pag-aaral,” dagdag pa ni Andan

SHARE
Previous articleCommonwealth of Northern Marianas Island clinic recognized as world-class
Next articleComelec chairman nagpasalamat sa mga mambabatas
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here