Tulong-tulong at magkaisa para sa kaunlaran

0
86
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAGING  makabuluhan ang ginawang paguulat ni Mayor Arturo Robes ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM) sa kanyang State of the City Address (SOCA,) na ginanap sa Covered Court nitong nakaraang Ika-1 ng Setyembre, 2020.

Binanggit niya ang nakalipas na mga problemang naresolba sa ilalim ng kanyang pamamahala, tulad ng tambakan ng basura sa Lungsod.  Ika pa niya walang magmamahal sa ating Lungsod kundi tayo lang, Walang impossible kung ang taumbayan ay tulong –tulong, nagkakaisa sa layuinin, ikaw ako kayo ay iisa para sa mayabong at maunlad na mamamayan.

Sa mensahe ay binanggit niya ang ganap na kaunlaran. Ngunit ika niya “sa kasalukuyan ay humaharap tayo sa isang pagsubok dulot ng pandemya.

Binanggit din ang napagtagumpayang 7 pillars of governance: Matapat at may pusong pamamahala, pagbibigay ng dekalidad na edukasyon at pagsasanay, pangangalaga ng kalikasan, epektibong serbisyo publiko, pagpapasigla ng turismo, sining at kultura, pagsuporta sa sektor ng agrikultura, negosyo at pakikipagkalakalan gayundin ang pagsiguro ng ligtas at mapayapang komunidad.

Ang lahat ng ito ay bunga ng ating  pagsusumikap, ginawa nating possible ang animo’y imposible at mga inaakalang hindi kayang marating ng Lungsod ng San Jose Del Monte. Naging posible ang lahat ng ito dahil sa inyong lahat na matapat na nagbabayad ng inyong buwis.

We are just custodians of public funds, Ibinabalik lamang po namin sa inyo ang paraan ng epektibong paglilingkod at mga makabuluhang proyekto ng mga buwis na inyong pinagkakatiwala sa pamahalaan. Kayo po ang nagbigay daan upang ating maisakatuparan ang mga programa at kayo po ang bumuo ng mga imprastrakturang mapakikinabangan hanggang sa hinaharap.”

At narito pa ang ilang itinalumpati ni Mayor Robes: “Ngayon eksaktong ika-176 araw na ang nakalilipas, mula nating kumpirmahin ang unang kaso ng COVID-19 sa Lungsod. 176 days na po ang lumipas, ngunit nananatili tayong nakatindig sa labang ito kontra COVID-19, tunay po na hindi biro ang kalaban nating ‘virus,’ kasabay sa pagluwag sa implementasyon ng ‘Community Quarantine’ sa buong bansa ay tumaas ang bilang ng ating naitalang kaso ng COVID -19 history’ Sa kanyang patuloy na pagsasalita ay pinalakas nila ang ‘Strategic Intervensions,’ ito ay ang mga sumusunod: Prevent, detect, isolate, treat at reintegrate. At ito ay kanyang ipinaliwanag isa-isa.

*****
Dahil dito ay nahingan natin ng masasabi si Dr.Dennis Booth, Ph.D., City Administrator ng LSJDM, sa itinalumpati ni Mayor Robes, ayon kay Booth,” ito ay isang magandang pagkakataon para iulat sa bayan, iyong mga na-‘accomplished’ sa loob ng kanyang unang termino at hanggang sa ngayon pangalawang termino.

At ang 7 pillars of good governance  na kanyang inilatag, lalo na sa pangalawang ‘term’ niya dumaan ang kanyang leadership sa matinding hamon dulot ng COVID-19. Dito ay inilatag ang mga measures na nag-umpisa sa prevention, detection, isolation, treatment at reintegration na naapektuhan ng COVID-19.

Malinaw ang pagkakalatag niya ng mga programa, na ang ‘government is truly responsive to the needs of San Josenios and general welfare of everyone. So, timely’ ang naging ‘response’ ni Mayor Robes sa pangangailangan ng mga taumbayan.

Walang pandemya at walang paghihirap na hindi natin kayang mapagtagumpayan, kung tayong lahat ay magkakasama-sama at magkakabuklog-buklod sa isang hangarin. Sana patuloy ninyong suportahan ang kanyang programa.“

Tsk! Tsk! Tsk! Sama-sama sa isang adhikain na labanan ang ‘virus,’ makipagtulungan at iyan ay para na din sa ating lahat. Mabuhay! (RONDA BALITA Online)

Previous articleSend-off for 60 Kapampangan COVID survivors
Next articleSymptomatic, Pre-symptomatic, Asymptomatic
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here