Home Katropa Rumoronda Tuloy ang pangarap sa bayan ng Pandi — Mayor Roque

Tuloy ang pangarap sa bayan ng Pandi — Mayor Roque

108
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

NAITALAGA na sa tungkulin ang mga nanalong kandidato sa nakaraang Halalan 2019.

Sa pagkakataong ito ay nais nating muling batiin at ipaabot na tayo ay nasisiyahan sa muling pagkakaluklok sa tungkulin bilang mga lingkod bayan sina Mayor Arthur Robes, Kongresista Florida Robes ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Mayor Enrico ‘Rico’ Roque ng Bayan ng Pandi, Governor Daniel Fernando at Vice Governor Wilhelmino Sy Alvarado sa Lalawigan ng Bulacan.

Tulad ng inaasahan, ang mga nabanggit na pangalan ng Katropa ay nagpasalamat at nangakong kanilang paiigtingin pa ang kanilang paglilingkod sa lugar na kanilang nasasakupan.

Ayon nga kay Mayor Rico Roque abala siya ngayon sa preparasyon at pagpaplano ng mga gawaing makabubuti sa buhay ng lahat ng Pandienos.

Balak niyang maisakatuparan ang kanyang mga pangakong binitiwan sa harap ng balana, ng siya ay nangangampanya pa. Ika pa niya, sama-sama tayo sa pangarap para sa bayan.

Kayang kaya natin iyan. Si Roque ang inaasahang makapagpapaunlad ng bayan ng Pandi.

Ayon naman kila Mayor Art at Cong Rida, ang kanilang handog sa LSJDM ay ang serbisyong may puso, tapat na paglilingkod, may sinseridad at pagmamahal. Nais nilang ipaabot ang kanilang pasasalamat sa lahat ng San Josenios.

Hinggil naman sa mga karagdagang kaalaman kung ano na ang mga nangyayari sa LSJDM, ating nabalitaan ang mabilis na aksyon ng City Traffic Management- Sidewalk Clearing Operations sa pagsasagawa ng ‘cleaning and clearing operations’ upang maialis ang mga natumbang mga puno sa mga pangunahing daanan sa Lungsod. Nitong nakaraang pagbuhos ng ulan na may kasamang malakas na hangin ay may mga napinsalang kabahayan sa ilang barangay.

Kaugnay pa nito ay nagsagawa ng agarang ‘relief operations’ ang Pamahalaan ng LSJDM, para sa mga naapektuhan ng malakas na pag-ulan, higit sa mga lugar ng Francisco Homes Guijo, Yakal, Mulawin at Barangay Gumaoc East. Batay sa ulat ito ay inisyal na tulong ng lokal na pamahalaan para sa mga taong naapektuhan.

Dagdagan na din natin ng balita mula sa LSJDM. Batay sa nakalap pa ring balita, nais na ipaabot ng City Social Welfare and Development Office, na meron silang libreng pagsasanay para sa mga pagtutubero (lalaki at babae.)

Ito ay tuwing Lunes-Biyernes, na gaganapin sa Colegio De San Gabriel Arcangel-Hotel. Ang oras ng unang pangkat ay gaganapin sa ika-8 ng umaga hanggang ika-12 ng hapon. Pangalawang pangkat naman ay sa ika-1 ng tanghali hanggang ika-5 ng hapon.

Mayroon pa rin pasabi na ang pagsasanay ay para sa lahat, kahit hindi nakapagtapos ng ‘high school’ ay maaaring sumali. Maaari pong makipagtalastasan sa telepono bilang 0995-149-6841.

Tsk! Tsk! Tsk! Bigyan natin ng puwang ang mensahe ng ating kaklase sa kanyang nasasakupan, mga tagapagtaguyod at kaibigan, narito po mula kay dating Vice Mayor Ed Piano ng Lungsod ng Olongapo:

“Ngayong araw na ito ang opisyal na pagtatapos ng aking panunungkulan bilang konsehal ng Lungsod ng Olongapo. Maraming salamat sa lahat na naging kabahagi ng siyam na taon ko sa Sanggunian Panglunsod.

Sa pagbabalik bilang private citizen, tuloy lang po ang pagbibigay ng impormasyon sa ating mga kababayan.

Tuloy ang paglaban sa korapsiyon. Tuloy ang pagtuon, pagsabak at pakikilahok sa larangan ng Edukasyon, Sining at Kultura, Cinema, pagtulong sa pagpapalakas ng Philippine-Russian Relations. Siyempre, di pa rin mawawala ang Public Service. Salamat po sa aking pamilya, kaibigan, katrabaho, sa lahat ng supporters, kakampi sa politika, colleagues, classmates/batchmates, mentors/advisers, sa lahat-lahat na! Alam niyo kung sinu-sino kayo.

Di ko malilimutan kahit kailan ang inyong tulong, suporta, at pagmamahal! God Speed!”

SHARE
Previous articleMayor Ricky Silvestre ng Marilao, masusukat ang kahusayan!
Next articleLalaking dinampot dahil sa pagwawala, nakuhanan ng ‘damo’
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here