Home Katropa Rumoronda Tuloy-tuloy ang kalinga sa mga San Josenios

Tuloy-tuloy ang kalinga sa mga San Josenios

26
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

WALANG hinto sa pagkakaloob ng serbisyo ang Pamahalaang Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) sa mga nangangailangang San Josenios. Isa na rito ay ang patuloy na isinasagawang gawain ng Community Affairs office (CAO) sa pagtanggap ng application para sa “Passport on Wheels” na hatid ng pamahalanaang LSJDM, at ng Department of Foreign Affairs para matulungan ang mga San Josenios na mapabilis sa pagawa ng kanilang mga passport.

Sumailalim din sa pagsasanay ang mahigit kumulang sa isang daang lupong taga-pamayapa sa iba’t ibang barangay sa naturang lungsod, sa pamamagitan ng CAO. Batay sa ating nakalap na impormasyon, isa sa tinalakay sa seminar ay ang kahalagahan ng katarungan sa kanilang mga barangay at paghasa sa kanilang kaalaman bilang mga lider ng kanilang mga nasasakupan.

Nagkaroon din ng “Internship program’ ang City Youth and Sports Development Center,” kung saan binisita ng mga magaaral ang iba’t ibang opisina ng pamahalaang lungsod. Upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga gawain at gampanin sa lokal na pamahalaan. Layunin na bigyan sila ng posibilidad na makapaglingkod sa gobyerno at matulungan sila sa iba pang pangangailangan.

Patuloy pa rin ang City Population Office sa pagbibigay ng sapat na kaalaman sa “Pre-Marriage Counseling,” kaugnay sa pagaasawa at pagkakaroon ng mga supling, at kung paano ito masusubaybayan at mapalalaki ng maayos. Gayundin ang ‘risk of teenage pregnancy and early marriage seminar,’ upang maiwasan ang wala sa panahong pagaasawa at pagbubuntis ng mag-sing irog.

Gayundin ang “Local Recruitment Activity” ng Public Employment Service Office (PESO,) na tuloy-tuloy ang serbisyo sa mga San Josenios, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na magkaroon ng trabaho. Ang ‘Cleanup Activity’ ng pamahalaang Lunsod na patuloy na lagiang isinasagawa, upang magkaroon ng malinis na kapaligiran ang LSJDM.

Tsk! Tsk! Tsk! Ilang beses at lagiang napupuri natin ang LSJDM, dahil nakikita naman natin ang kasipagan ng mga kawani nito. O heto pa ang isang hindi natin naisulat, na si Congw Rida Robes pala ang ‘Co-Author’ ng naging ganap na batas, ang Republic Act No. 11291 o “Magna Carta of the Poor” matapos itong pormal na nilagdaan ng ating Pangulo Rodrigo Roa-Duterte, kamakailan. Layunin ng Batas na ito ay upang tiyakin na makakuha ng mga serbisyo mula sa iba’t-ibang sangay ng Gobyerno, ang mga kababayan natin kabilang sa ‘Indigent Families.’ Ika nga ni Congw Rida Robes:

“Ang tuluyang pag unlad ng San Jose del Monte ay nasa kamay natin. Ang inyong pakikiisa, pagtitiwala at suporta ay nagbibigay lakas at inspirasyon sa akin upang ipagpatuloy ang aking nasimulan. Handa na tayong lahat para sa bagong kabanata ng ating pagbuo ng RISING CITY!”

Sa mga Kawani ng Pamahalang LSJDM, at kila Mayor Arthur Robes, VM Efren Bartolome,Jr., Sangguniang Panlungsod, Congw Rida Robes at Dr. Dennis Booth, City Administrator, mabuhay po kayo!

Sa mga nais na magpalathala sa ating pahayagan ay narito po ang ating email: billones@ralo.org. Hanngang sa muli. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here