Tuloy-tuloy na serbisyong pangkalusugan, handog ni VM Jowar

0
432

MATAPOS ilunsad ang programang “Angat Kalusugan” nu’ng ika-25 ng Enero 2020 ay muli na namang umarangkada ang serbisyong pangkalusugan na handog ni Vice Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista para sa mga Angateño.

Muli na namang nagsagawa ng libreng gamutan ang bise alkalde para sa mamamayan ng bayan ng Angat na ginanap sa covered court ng Barangay Pulong Yantok.

Ang nasabing medical mission ay kinapapalooban ng libreng medical check up at bunot ng ngipin, libreng gamot, libreng laboratory test, libreng salamin sa mata, libreng gupit at masahe.

Namahagi rin ang team ni Vice Mayor Jowar ng medical assistive devices tulad ng nebulizer, BP apparatus, glucometer at wheelchair.

Mayroon din libreng konsultasyong legal, libreng pamamahagi ng binhi, libreng bakuna sa aso at pusa, blood letting at feeding program at libreng pagpapakain sa mga bata. Lahat libre, ’eka nga.

Naisakatuparan ang nasabing medical mission sa pakikipagtulungan ng Damayan sa Barangay sa pangunguna nina butihing Gobernador Daniel R. Fernando at Bise-Gobernador Willy Sy-Alvarado at naging katuwang din si Konsehal Arvin Agustin na siyang kinatawan ng Commitee on Health sa nabanggit na bayan.

Pinasalamatan naman ni Vice Mayor Jowar Bautista ang mga barangay volunteers ng Pulong Yantok (Barangay Health Workers, Barangay Tanod, Lingkod Lingap sa Nayon at Mother Leaders) at Punong-Guro (OIC) ng AMDRHS na si Gng. Monaliza Casquero sa aktibo nitong paglahok sa pagpaplano ng naturang aktibidades.  

Gayundin, taus pusong pasasalamat ang kanyang ipinabatid kay Punong Barangay Nestor San Pedro at sa Sangguniang Barangay sa kanilang pakikiisa para sa makabuluhang programa. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here