Home People & Community Tuluy-Tuloy ang serbisyo ni Konsehal Len Pineda

Tuluy-Tuloy ang serbisyo ni Konsehal Len Pineda

765
0
SHARE

TULUY-tuloy ang serbisyo publiko ni Konsehal Noel “Len” Pineda sa mga Malolenyo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng People’s Day sa kanyang tahanan sa Brgy. Mabolo, tuwing araw ng Biyernes.

Nais ni Konsehal Pineda na ibigay ang nararapat na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga Malolenyo.

Dinagsa naman ang bahay ng konsehal ng mga non-government organizations, mga barangay officials at tanod, mga senior citizen, samahan ng mga tricycle drivers at grupo ng mga kababaihan ang isinagawang People’s Day noong nakaraang Biyernes kung saan lahat ng naging bisita ay umuwi ng may ngiti sa labi.

Wala namang kapagurang hinarap ni Konsehal Pineda ang lahat ng bumisita at dininig ang mga dulog ng mga mahal na kababayan.

Mga Malolenyong salat sa yaman at nangangailangan ng tulong pinansiyal para may maipangtustos sa mga bayarin tulad ng sa ospital, mga namatayan at mga pambili ng gamot.

Hindi rin nagkait ng tulong ang konsehal sa mga nangangailangan ng kanyang suporta sa mga Sangguniang Barangay, mga katandaan at mga samahang may makabuluhang proyekto.

Kamakailan, binisita ni Konsehal Pineda, Chairman ng Committee on Education, ang mga batang mag-aaral sa 65 daycare centers sa 51 barangay ng Lungsod ng Malolos bilang pagbibigay halaga sa unang hakbang ng edukasyon at bitbit ang set of school supplies na magsisilbing paunang gamit ng mga mag-aaral.

Layon ng masipag na konsehal ng Sangguniang Panlungsod na masimulang magabayan ang mga bata sa kanilang pag-aaral.

Nais nitong na tumatak murang isipan ng mga bata ang kahalagahan ng edukasyon at maipaliwanag sa  kanilang mga magulang ang mga programa ng Pamahalaang Lungsod na makatutulong na makatapos ang kanilang mga  anak sa pag-aaral.

Nais rin ni Konsehal Len na tulungan ang mga guro na makatapos na masteral degree sa pamamagitan ng tulong sa pag-aaral mula sa Pamahalaang Lungsod. Mabigyan ng libreng pag-aaral ang mga guro sa Malolos para makatulong ng pamahalaan sa paghubog ng mga kabataang magiging lider sa hinaharap.

Ani Konsehal Pineda, “ang mga guro ang tagahubog ng kabataan na sinasabing ‘Pag-Asa ng Bayan,’ sila din ang pinagmulan ng lahat ng propesyong meron ang kasalukuyan, sila din ang mga abang-lingkod na tahimik na gumagawa ng tungkulin sa kabila ng kahirapan, kaya panahon na para naman bigyan din sila ng insentibong nararapat sa kanila?”

SHARE
Previous article7TH MAYOR CHRISTIAN D. NATIVIDAD CUP Inter-Office Sports Festival 2017
Next articleMalaya na ang Marawi sa kontrol ng komunista!
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here