Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Tuparin ang mga pangako!

Tuparin ang mga pangako!

21
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

HAYAN. Noong Lunes, July 1, 2019 ay nagsimula na pong pumasok sa kani-kanilang mga opisina ang mga nanalong kandidato noong May 13 midterm elections.

Isa ako sa mga nanalangin na sana ay maalala ng bawat nahalal na kandidato ang kanilang mga pangako sa mga tao noong panahon ng kampanya. Ang tuparin nila ang mga ito.

Ang isang marangal na tao ay hindi marunong tumalikod sa kanyang pangako. Sila rin ang unang maapektuhan kung hindi nila tutuparin ang mga binitiwan nilang mga pangako sa mga tao.

Sigurado ako na kapag hindi sila tumupad sa kanilang mga pangako, wala nang maniniwala sa kanila sa oras na kumandidato uli sila.

Kaya ang masasabi ko lang, kung hindi ka marunong tumupad sa iyong pangako mas mabuting ‘wag ka na lang mangako. Huwag mong gawing uto-uto ang mga tao. Ang paasahin sila sa wala, period!

 

Droga dito, droga doon!

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang mga nahuhuling mga adik o pusher ng ating mga kapulisan. Halos araw-araw ay may nagyayaring entrapment o buy bust operation.

Alam na nga nilang mahigpit ang ginagawang kampanya ng ating pamahalaan laban sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot pero hayun, parang wala lang sa iba at mukhang sinusubukan talaga nila ang ating mga kapulisan at pati na rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang operasyon ng illegal na droga dito sa bansa ay isang napakalalang problema. Hindi ito mapatigil-tigil. Kahit ang mga nagdaang Pangulo ng bansa ay walang nagawa para mapatigil ito.

Maraming mga mamamayang Pilipino ang naniniwala noon kay Pang. Duterte na kayang-kaya niyang sugpuin ang operasyon ng illegal na droga dito sa bansa pero sa ngayon, mukhang nawawalan na ng pag-asa ang mga Pinoy na mangyayari iyan dahil ang nakikita nila sa ngayon, mukhang wala ring magagawa si Pang. Duterte gaya ng mga naunang Presidente.

Dapat kasi, bitay agad ang ihatol sa lahat ng mga mahuhuling Pinoy o alien na magtatangkang magpasok ng illegal na droga dito sa bansa. Kapag nangyari ito, siguradong wala nang maglalakas-loob na magpasok ng illegal na droga dito sa Pinas tulad ng ibang bansa.

Kung walang papasok na illegal na droga dito sa bansa, siyempre pa walang ibibenta ang mga pusher, walang gagamitin ang mga usher.

Sa tingin ko, kailangan talaga dito ang kamay na bakal. ‘Yan ay kung talagang gusto ng bawat mamamayang Pilipino na tuluyang masugpo ang problema sa illegal na droga. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleDinagat gov condemns killing of prov’l board member
Next articleNaglahong katutubong isdang ilog
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here