Turismo sa Batangas, bumagsak ng dahil sa Taal Volcano

0
54
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

BUMAGSAK ang turismo ng Tagaytay sa lalawigan ng Batangas matapos ang biglaang pagsabog ng Bulkang Taal nito lamang Linggo, Enero 12, 2020.

Lubhang apektado ang mga bayan ng Agoncillo at Talisay dahil sa volcanic quake na nararanasan doon at natuyot din ang nga ilog na kunektado sa lawa.

Bukod kasi dyan mga ’igan kasama rin sa naapektuhan ang mga bayan ng Talisay, San Nicolas, Laurel, Taal, Tanuan, Agoncillo, Lemery at Cuenca, Mataas na Kahoy sa Batangas.

Noong 1754,  pumutok ng malakas ang Taal Volcano na tumagal ng 6 na buwan bago tumigil sa pagsabog marami ang napinsala dahil sa magma na siyang pinakadelikado.

Ayon sa mga pag-aaral ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), hindi pa nila alam kung kailan titigil ang aktibidad ng bulkan.

Kaya nananatili ang nakaalerto ang lahat ng sangay ng pamahalaan upang bantayan ang mga apektadong lugar.

Sa ngayon kasi nagmistulang mga ghost town na ang mga bayan na nasa paligid ng Taal Volcano dahil na rin sa patuloy na paglindol at pagbuga ng ashfall. Mahigpit na ring ipinagbabawal ang pagbalik ng mga residente sa lugar posible kasi na maganap pa ang malakas na pagsabog.

Kaya naman maraming ari-arian ang iniwan ng mga residente maging ang alaga nilang mga hayop na karamihan ay namatay na dahil sa ilang araw na  walang makain dahil natabunan ng ashfall ang mga damo.

Naghatid na rin ng tulong ang Bulacan sa mga bakwit sa Batangas.

Kabuuang 5,000 na food packs na kinabibilangan ng bigas, noodles, kape, sardinas at iba pa.

Personal na tinanggap ni Batangas Governor Herminaldo Mandanas mula kay Peoples’ Governor Daniel Fernando ang isang milyong pisong donasyon at food packs.

Bukod sa Bulacan, dumating din ang tulong mula sa Daet, Camarines Norte at Caloocan City.

Habang tuluy-tuloy naman ang pagdating ng tulong at bayanihan ng maraming sangay ng pamahalaan, mga non-gevernment groups sa lalawigan ng Batangas.

Sa mga nagnanais maghatid ng tulong, maaaring ipadala sa Bulacan Press Club Office mula Lunes hanggang Biyernes sa Capitol Compound, Malolos City in front ng PAO Annex.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon, mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here