Turismo sa Camiguin, umangat!

0
780

ANG isla ng Camiguin na kilala sa tawag na “Born of Fire” ang next tourist destination sa bansa.

Ang islang may korteng pear-shaped ay pinaiikutan ng pitong bulkan at galing ang pangalang Camiguin sa klase ng punong “Kamagong.”

Nakilala rin ang nasabing isla sa tamis ng kanilang lanzones, pero maliban dito ay nagkalat din ang mga dalampasigan na may mapuputing buhangin na maihahalintulad sa karagatan sa isla ng Boracay.

Dahil sa paglobo ng turismo dito, dalawang local hotel chain ang magtatayo ng hotel sa isla ng Camiguin.

Isa dito ang Limketkai na magtatayo ng hotel sa Barangay Tupsan sa bayan ng Pequeño habang ang hotel ng Mallberry ay sa Barangay Bonbon sa munisipalidad ng Catarman napiling itayo.

Ang Limketkai ay may nagmamay-ari ng 213-room Luxe Hotel na matatagpuan sa loob ng Limketkai mall sa Cagayan de Oro City, habang ang Mallberry na minamay-ari ni Roger Chiu ay mayroon din Mallberry Business Suites Hotel na nasa loob din ng nasabing mall.

Katatapos lamang idaos ng Camiguin ang Lanzones Festival nitong huling linggo ng Oktubre kung saan humakot ito ng maraming bisita sa isla.

Noong nakaraang taon, idineklara ng Asean Center for Biodiversity ang mga bundok ng Timpoong at Hibok-Hibok bilang Asean Heritage Parks, kung kaya’t asahan nang mapapabilang ang Camiguin sa Asean map ng mga turista.

Ang isla ng Camiguin ay may estimated population na 70,000.

Umani rin ang papuri sa mga netizens ang naisahimpapawid na tourism video nito kamakailan.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here