Home Ok Ka Lang Turn-over ng elementary school sa Brgy. Lalangan, Plaridel

Turn-over ng elementary school sa Brgy. Lalangan, Plaridel

170
0
SHARE
Opinion Column by Naneth T. Hirano

NOONG nakaraang June 2 ng kasalukuyang taon ay pormal ng itinurn-over ng Alveo Group of Companies sa Pamahalaang Bayan ng Plaridel ang maylabingdalawang (12) kuwartong eskwelahan na nagkakahalaga ng mahigit sa sampung milyon piso.

Si Plaridel Mayor Jocell Ramos Vistan-Casaje ang siyang tumanggap ng ipinagkaloob na bagong tayong12 classroom sa Brgy. Lalangan Elementary School.

Na ang personal na nagturn-over ng nabanggit na eskuwelahan ay ang pangulo mismo ng Alveo na si Robert Lao.

Naging napakasimple lang ang nangyaring turn-over.

Nagmisa at pagkatapos ay binasbasan ng isang pari ang labas at loob ng mga kwarto ng eskuwelahan.

Nagsalita ang pangulo ng developer na Alveo at sinabing talagang inuna niyang ipinabuo ang eskwelahan para magamit agad ito ng mga mag-aaral ng Brgy. Lalangan.

Labis namang nagpasalamat sa pamunuan ng Alveo si Mayora Jocell sa ipinagkaloob nilang bago at magandang elementary school.

Nangarap si Mayora Jocell na sana ay maging mabuting instrumento ang kaloob na eskuwalahan para makahubog ng isang mahusay na lider sa hinaharap.

Ang katuwaan naman ng mga taong sumaksi sa turn-over ay napalitan ng pagkagalit matapos na hindi pala totoong ipamimigay at makukuha o i-aaward na sa mga benificiaries ang sertipikong katibayan ng pagmamay-ari nila sa lupang kapalit ng ibinenta nilang sakahan.

Kaya nagulat ang lahat ng pagkatapos ng akto ng pagputol ng ribbon ay namigay na ng pagkain ang mga tauhan ng Alveo at hindi o wala na palang magaganap na awarding.

Kaya pala wala sa kanilang programa ang awarding of certificates.

Dahil sa galit ng mga tao ay hindi na nila ginamit pa ibinigay sa kanilang mga stub para makakuha ng pagkain.

Bagama’t hindi naman lahat. Pakiramdam kasi diumano nila ay ginagago at ginawa lang silang audience o saksi sa isinagawang turn-over.

Tiniis umano nila ang sobrang init ng panahon, itinigil muna ang paglalaba at marami pang ibang mga gawain sa kanilang mga bahay sa pag-asang makukuha na nga ang kanilang mga sertipiko mula sa pamunuan ng Alveo.

Masyado umanong naging iresponsable ang nagpaasa sa kanila.

Sabagay ay masasabi ko rin talagang hindi lang iresponsable kundi napaka-iresponsable ng mga tao ng Alveo.

Wala sa bokabularyo nila ang salitang pagpapahalaga o respeto sa kapwa.

Kaya ko nga nabanggit na paring walang pangalan dahil sa wala silang inilagay na mga pangalan ng nga taong may partisipasyon sa event.

Tulad ng pangalan ni Mayora Jocell ay hindi man lang nila nailagay sa kanilang program.

Kaya malaki tuloy ang paniniwala kong kaya hindi nakarating si Bulacan Governor Willy Sy-Alvarado sa naganap na turn-over ay dahil sa hindi nga formal ang format ng kanilang programa at walang pakundangang governor, mayor, DepEd, principal at pari o priest lang nakalagay.

Pagpapakita lamang ng kawalan nila ng respeto at pagsasaalang-alang!

SHARE
Previous articleBagong bihis ang Kapitolyo
Next articleDaycare center itatayo sa loob ng Camp Alejo Santos
Neneth Tayao Hirano has over 20 years of experience in broadcast journalism. A graduate of Mass Communication Major in Broadcasting at Far Eastern University. Born October 28, 1955 at Plaridel, Bulacan. She started broadcaster at DWAN 1206, followed at DWGV 792 and then DZXQ 1350. A former publisher of a local newspaper -- TUDLA. And from broadcasting, she became a columnist of local papers in Bulacan, the CMT UPDATES and Bulacan Catcher. Currently, she is RONDA Balita’s columnist based in Japan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here