Home Katropa Rumoronda Ulat ni Mayor Roque ng Pandi at parangal pa sa LSJDM

Ulat ni Mayor Roque ng Pandi at parangal pa sa LSJDM

24
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

SA katatapos lang na ng ulat tungkol sa unang 100 days na panunungkulan ni Mayor Enrico Roque, sa bayan ng Pandi, Bulacan.

Kanyang inihalad ang 10 point Agenda ng kanyang Administrasyon, una na dito ang gawaing Pangkalusugan, Edukasyon, Gawain bayan o inprastraktura, Agrikultura, Negosyo, Pangkabuhayan at iba pa. Iniisa-isa niya ang mga naging katuparan ng kanyang 100 araw, at nabanggit nito ang pagkakaroon ng isang Mall at Jollibee sa Baranggay Mapulang Lupa sa hinaharap, ang posibleng pagkakaroon ng mga Bus na biyaheng (mula sa bayan ng Angat, papasok ng sa bayan ng Pandi) papuntang Divisoria.

Ayon pa kay Roque, ay ‘on-going’ na ang konstrakyon ng District Hospital ng bayan ng Pandi, sa tulong ni Bulacan Governor Daniel Fernando. Kanya rin tinalakay ang pagpapagaan ng Kahirapan sa bayan ng Pandi, gayundin nabanggit nito, ang naging ‘sisterhood’ sa isang bayan sa bansang Tsina. Binanggit niya ang Mega City na itatayo sa ilang bahagi ng Pandi, kung saan magiging sagot laban sa Kahirapan. Sa darating na panahon, ika pa niya na sa kanyang bayan, ay magkakaroon ng libu-ibong employment para sa mga Pandienos.

Tsk1 Tsk! Tsk! Naging tagumpay din ang pagdiriwang ng Lechon Festival, kung saan ito ay dinaluhan sa pangunguna ng Punong Lalawigan Daniel Fernando, Mayor Rico Roque at libu-libong Pandienos. Ayon kay Roque sa kanyang isinagawang naunang Press Conference,” nandito naman kami para tumulong, hindi kami nandito para mamulitika, 3 buwan palang ako nakakaupo uli, para mamulitika. Ako napakatagal pa iuupo ko dito. Sumusunod pa rin kami sa ‘rules and regulation,’ wala kaming bina-‘violate’ na batas, lahat ng ‘farm owners’ dito ganoon pa rin kung ano ang ‘instruction’ ko. Kailangan pa rin ninyong magpa-‘test’ uli, kapag kayo ay nag-‘negative’ doon palang kayo maglabas, magkaroon ng ‘clearance.”

 

*****

 

Wow! Panibagong pagkilala na naman ang natanggap ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM!) Ang ‘latest’ na natanggap na parangal ay ang iginawad ng National Rabies Prevention and Control Program sa naturamg Lungsod, ito ay ang ‘Excellent Implementation of the Rabies Program towards the National Goal of a Rabies Free Philippines, kamakailan lamang.

Tsk! Tsk! Tsk! Nabasa rin natin ang magandang sinabi ng isang bayanga, para sa butihing lingkod bayan na si Mayor Robes, basahin po natin: “You are all very fortunate because you are living under a wonderful leadership. I’ve never seen a man like him with great passion and leadership,” wika ni Dr. Byoung-chul Min, Chairman, Sunfull Foundation, Sunfull Internet Peace Movement (During the Sunfull Internet Peace Movement Launching Ceremony.)

Muli ang ating pagbati sa pangunahing lider ng LSJDM, sa pangunguna nila Mayor Arturo Robes, Congw Rida Robes, VM Efren Bartolome, Jr., City Administrator Dr. Dennis Booth at iba pa, sa kanilang patuloy na pagsusumikap na ma-proteksiyunan, mapaunlad ang buhay ng bawat San Josenios at mismo ang nasabing Lungsod. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleMcArthur Hi-way, wasak na wasak na sa pipe laying
Next articlePanahon ng mga boxing legend
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here