Home Katropa Rumoronda Umiwas sa sakit ng panahon!

Umiwas sa sakit ng panahon!

36
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

UBO at sipon uso na naman! Halos ilang araw din ginupo ng ganitong karamdaman ang inyong Katropa. Ang masakit pa nito, habang nagmamaneho tayo ng sasakyan ay bigla akong naubo, na waring umabot sa utak ko ang lakas nito. Sa isang iglap ay napapikit ako ng saglit dahil sa sakit, at pagdilat ko mababangga ko ang nagtitinda ng buko, biglang break! Mabuti na lamang at dahan – dahan ang ating pagda-drayb.

Makaraan nito ay naisipan nating pasyalan si Dr. Betzaida Banaag, MD. City Heatlth Officer, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan. Ayon kay Dr. Banaag ay wala namang ‘outbreak’ ng ‘pneumonia at flu,’ kumpara noong mga nakaraang taon. Ika niya na talagang may nagkakaroon ng ganitong sakit, basta ganitong mga panahon. Kapag ang

Klima ay papalit-palit, karamihan ay may allergy, kasi mainit sa maghapon, malamig sa madaling araw. Dahil dyan ika pa ni Dr. Banaag, ay may mga nagkakaroon ng ‘allergy’ inaatake ng hika, dahil sa ‘overcrowded’ ang mga bahay. Dagdag pa niya, kung may ‘viral infection’ ang isa hindi aalis iyung ‘virus’ sa bahay na iyun, hanggat hindi lahat aapektuhan.

“Ito ay ‘self limiting’ ibig sabihin ay lilipas din ito, ‘5 to 7 days’ pag nagkaroon ng komplikasyon ito naan ay lilipas. Marami na din na nagpapatingin, sa mga Health centers. Sa limampung pasyente sa ating Healtth center, kalahati nito ay iyan ang sakit, ubo at sipon,” wika pa ni Dr. Banaag

Saludo tayo sa mga magagalang at palangiting Civil Security Unit (CSU) ng City Hall, LSJDM, na makikita sa larawan. Binabati nila ang mabubuting ginagawa nila Mayor Arturo Robes, Congw Rida Robes, CA Dennis Booth, Ph.D. at Retired Gen, Pedro Ramos. (L-R) Norberto Solis, Arnold Tejada, Reynaldo Napalang, Felix Malinao at Eric Santiago. (Kuha ni VIC BILLONES III)

Ating natanong kung paano maiwasan ang sakit na iyan. Sinabi niyang, “unang-una dapat may ‘life style modification’ tayo. Dapat malakas ang ating ‘immune system.’ Tamang ‘nutrition,’ tamang dami ng pahinga at pagtulog. Umiwas sa mga ‘crowded’ na lugar, kung madali mahawa o may allergy dapat magsuot ng ‘mask.’

Sa mga kakainin ika niya ay wala naman bawal. Ayon sa kanya ang pagkain ‘citrus fruits’ at pag-‘take’ ng vitamin C ay mas mainam. “ Ang ‘allergy’ na nakukuha sa alikabok at ‘sudden change of weather’ ang pinagmumulan ng sakit.

“Para maiwasan ang sakit na ito ay magkaroon tayo ng ‘healthy life style, enough rest and sleep,’ para maganda ang ating ‘immune system.’ ‘Then’ tamang pagkain, uminom ng maraming tubig at umiwas sa pagpunta sa mga lugar na alam natin na marami ng sakit na kagaya nito. At sa bahay din ho, kailangan laging malinis ang bahay, at dapat pamalagihin ang paghuhugas ng kamay. Kasi d’yan natra-‘transfer’ ang ‘virus,’ at maging ugali din kapag umubo magtakip ng bibig. Huwag magluluwa ng plema kahit saan ilagay sa ‘tissue’ at ilagay sa tamang lugar,” patapos ni Br, Banaag.

Tsk! Tsk! Tsk! Maraming Salamat sa mga paala-ala ni Dr, Banaag. Malaking tulong sa mga makakalimutin na din na tulad ko, hehehehe. Narito po ang ating email: billones@ralo.org. Hanggang sa muli.

SHARE
Previous articleKung ayaw sa paupo daanin sa patayo!
Next articleOver 20 NLEX-SCTEX projects completed in 2018
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here