Unang bagyo ngayong taon namumuo sa Mindanao

0
77

BULACAN — Sa Miyerkoles (Feb. 17) inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility ang low pressure area (LPA) na naispatan sa silangan ng Mindanao.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration nitong Martes, maaaring mag-develop bilang tropical depression (TD) ang LPA na tatawaging “Auring”.

Sakaling lumakas ang LPA bilang Tropical Depression Auring, ito ang unang bagyo na papasok sa Pilipinas ngayong 2021.

Magdadala ng pag-ulan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao ang LPA sakaling pumasok sa bansa.

Samantala, patuloy namang nakakaapekto sa lagay ng panahon sa Metro Manila at karamihan ng parte ng Luzon ang northeast monsoon o amihan, ayon pa sa Pagasa.

Source: Abante tnt

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here